Paano Kumpletuhin ang Identity Verification (KYC) sa Pamamagitan ng Web

Bilang isang nangungunang global exchange, nire-require ng KuCoin ang Identity Verification (kilala rin bilang Know Your Customer o KYC) para sa aming mga user mula noong Nobyembre 1, 2018.

Para makapasa sa KYC, kakailanganin mong i-submit ang iyong mga ID document at kumpletuhin ang face verification. Ito ay bahagi ng aming commitment sa pagsugpo sa mga ipinagbabawal na activity tulad ng money laundering at terrorist financing.

Notice:
i. Simula noong Agosto 31, 2023, 08:00 (UTC+8), dapat kumpletuhin ng lahat ng bagong user ang Identity Verification para magamit ang mga produkto at serbisyo ng KuCoin. In-update namin ang aming patakaran sa Identity Verification habang nagsusumikap kaming mas mahusay na makasunod sa mga legal requirement at mapahusay ang security ng account ng user.
ii. Para sa mga user na nag-register bago ang Agosto 31, 2023 (UTC+8) pero hindi pa nakumpleto ang standard Identity Verification, ang mga sumusunod na action lang ang maaari nilang gawin: pag-sell ng cryptocurrency, pag-close ng mga futures contract, pag-close ng mga margin position, pag-redeem mula sa KuCoin Earn, at pag-redeem ng mga ETF. Sa time na ito, hindi na sila makakapagsagawa pa ng anumang deposit (hindi apektado ang mga withdrawal service).

Para sa higit pang information sa updated na list ng mga function ng Identity Verification, tingnan ang Part 3 ng article na ito.

 

1. Pagkumpleto ng Identity Verification (Web)

Mag-log in sa iyong KuCoin account, i-select ang Dashboard ng profile mo → Identity Verification, at punan ang required na information.

1.1 Para sa Mga Individual
Kung gumagamit ka ng personal account, i-select ang Identity Verification Individual Verification. Pagkatapos, i-hit ang Magpa-verify Ngayon para punan ang iyong mga detalye.
360000017594-1

Kakailanganin mo: 1. mga personal na particular mo, 2. mga photo ng iyong ID, at 3. pagsasagawa ng face verification at pag-submit para sa review.

Kapag kinumpleto mo ang lahat ng step ng proseso, nagbibigay-daan ito sa higit pang function at benefit para sa iyong account. Pakitiyak din na totoo at valid ang in-enter mong information dahil maaapektuhan ang mga resulta ng review mo kung hindi. Ino-notify ka sa email tungkol sa mga resultang ito.

i. Ibigay ang Iyong Mga Personal na Particular
I-select ang Magpa-verify Ngayon sa ilalim ng Individual Identity Verification para lumabas ang pop-up. I-select ang iyong bansa/rehiyon at ang pinili mong ID type, at pagkatapos ay punan ang iyong mga detalye at i-hit ang Magpatuloy.

I-check kung ang lahat ng in-enter mong information ay consistent sa mga detalye na nasa document na pinili mo.
360000017594-2

ii. I-submit ang Mga Photo ng Iyong ID
I-enable ang mga permission sa camera sa iyong device, at pagkatapos ay i-select ang Magsimula para mag-upload ng photo ng ID mo gamit ang pinili mong method.
360000017594-3


iii. Kumpletuhin ang Face Verification at Review
Pagkatapos i-confirm ang iyong mga in-upload na photo, i-hit ang Magpatuloy para mag-proceed sa face verification.

Piliin ang device mo, at sundin ang mga system prompt para ma-verify ang iyong face.
360000017594-4

Automatic na isa-submit para sa review ang information mo. Kapag nakapasa na sa review, kumpleto na ang standard Identity Verification. Puwedeng i-view ang mga resulta ng review mo mula sa page ng Identity Verification.

1.2 Para sa Mga Institution
Kung gumagamit ka ng institutional account, i-select ang Identity Verification Mag-switch sa Institutional Verification. Pagkatapos, i-hit ang Simulan ang Verification para punan ang iyong mga detalye.

Dahil sa nature ng institutional verification, kokontakin ka ng isang review officer kapag na-submit na ang request mo. Gagawin ito sa pamamagitan lang ng aming official KYC verification email na institutional_kyc@kucoin.com.
360000017594-5

 

2. Pag-troubleshoot sa Hindi Successful na Identity Verification (Web)

Maaaring maging frustrating kapag nagkaroon ng mga issue habang isinasagawa ang proseso ng KYC. Sundin ang mga step na ito para malutas ang ilan sa mga karaniwang issue na maaaring maranasan:
i. I-update ang Iyong Browser: I-check kung latest version ba ng iyong web browser ang ginagamit mo. Nakakatulong ito para maiwasan ang mga karaniwang issue habang isinasagawa ang verification.
ii. I-record ang Issue: Kung nagpatuloy ang issue, kumuha ng mga screenshot ng mga error message, o mag-record ng video ng iyong verification attempt para matulungan kaming ma-diagnose ang issue nang mas epektibo.
iii. Kontakin ang Support: Mag-submit ng ticket at ipadala ang mga nauugnay na screenshot o recording sa aming support team para sa karagdagang assistance. Nakahanda kaming tumulong.

 

2.1 List ng Mga Karaniwang Error:
Error sa Pag-scan ng Face. Kung nakikita mo ang message na, "Hindi namin makita nang maayos ang iyong face," madalas na nalulutas ang issue na ito kapag in-update mo ang iyong browser.
360000017594-6

Error 9801 - Pag-scan ng ID. Kung nangyari ito habang ini-scan ang iyong document, subukang gumamit ng ibang browser o device at i-attempt ulit ang verification.
360000017594-7

Error 9810 - Paggamit ng Camera ng Phone. Maaaring mangyari ang error na ito kapag ginagamit ang camera ng iyong phone para sa submission ng document o pag-scan ng face. I-update ang iyong browser sa latest version at subukan ulit.
360000017594-8

2.2 Tips para sa Pag-upload ng Mga Photo

  • Puwedeng gamitin ang bawat document para sa pag-sign up at pag-verify ng isang KuCoin account lang.
  • JPG at PNG ang mga supported na image format. Mas maliit dapat sa 4 MB ang image size.
  • Kasama sa mga valid na document ang iyong ID card, driver's license, at passport.
  • Kung mayroon pa ring mga problema, i-check kung may mga issue sa network. Mag-upload na lang later o sumubok ng ibang browser.

2.3 Notification sa Nag-fail na Verification
Kung nakatanggap ka ng notification na hindi successful ang iyong Identity Verification:

  • Mag-log in sa iyong account.
  • Mag-click sa iyong profile, at pagkatapos ay mag-navigate sa Identity Verification para i-view ang mga dahilan ng pag-fail.
  • I-click ang Magpa-verify Ulit para malutas ang mga ito, at i-submit ang tamang information. Ie-expedite para sa review ang iyong submission.

 

3. Mga Benefit ng Pagkumpleto ng Identity Verification

Kapag na-verify na, mae-enjoy mo ang mas maraming function at mas matataas na daily withdrawal limit sa KuCoin platform.

Action Mga Hindi Na-verify na Account Mga Na-verify na Account
Mga Basic Function ng Account I-link/baguhin ang settings ng security Oo Oo
I-freeze ang account Oo Oo
I-delete ang account Oo Oo
Mag-create ng sub-account Oo Oo
Sub-account trading Hindi Oo
Mag-create ng mga API Hindi Oo
I-delete/i-edit ang mga API Oo Oo
Mag-refer ng mga kaibigan para sa mga reward Oo Oo
Sumali sa affiliate program Oo Oo
I-export ang history ng order Oo Oo
Mag-deposit ng fiat Hindi Oo
Deposit Mag-buy ng crypto sa pamamagitan ng Visa, Mastercard, fiat balance Hindi Oo
Mag-buy ng crypto sa pamamagitan ng P2P Hindi Oo
Mag-buy ng crypto sa pamamagitan ng third-party Hindi Oo
Mag-deposit ng crypto Hindi Oo
Mag-claim ng Red Packets Oo Oo
Mag-withdraw ng fiat Hindi Oo
Withdrawal Mag-sell ng crypto sa pamamagitan ng Visa, Mastercard, fiat balance Hindi Oo
Mag-sell ng crypto sa pamamagitan ng P2P Hindi Oo
Mag-withdraw sa pamamagitan ng KuCard Hindi Available sa mga user sa EEA region
Mag-withdraw ng Crypto Tingnan ang 24h withdrawal limits Tingnan ang 24h withdrawal limits
Magpadala ng Red Packets Tingnan ang mga limit sa distribution ng Red Packet Tingnan ang mga limit sa distribution ng Red Packet
Spot trading Puwedeng mag-place ng mga sell order, hindi puwedeng mag-place ng mga bagong buy order Oo
Trading Margin trading 

1. Puwedeng mag-place ng mga sell order, hindi puwedeng mag-create ng mga bagong position nang may mga buy order

 

2. Gayunpaman, ang mga borrowed cryptocurrency ay maaari pa ring i-purchase (para sa repayment ng debt). Hindi mapu-purchase ang lahat ng ibang pang non-debt asset

 

3. Naka-disable ang pag-borrow; pinapayagan ang mga repayment

Oo
Leverage tokens

1. Puwedeng mag-place ng mga sell order, hindi puwedeng mag-place ng mga bagong buy order

2. Naka-disable ang mga subscription; pinapayagan ang mga redemption

Oo
Trading bots

1. Hindi puwedeng mag-create o gumamit ng mga bagong bot

 

2. Hindi naaapektuhan ang mga nagra-run na bot

Oo
KuCoin Convert Hindi Oo
Pre-Market Trading Hindi Oo
Futures trading

1. Hindi puwedeng mag-open o magdagdag sa mga bagong position

 

2. Puwedeng i-reduce o i-close ang mga existing position

Oo, max leverage na 125x
KuCoin Earn

1. Hindi puwedeng mag-place ng mga subscribe, buy, lend, o auto-invest order

 

2. Puwedeng mag-place ng mga redemption o sell order

Oo


Para sa iyong privacy at security, patuloy kaming gumagawa ng mga improvement sa proseso ng Identity Verification. Lubos naming inirerekomenda na magpa-verify sa lalong madaling panahon para magpatuloy sa normal na paggamit ng mga function ng account.

3.1 Ano ang mga limitation ang kakaharapin ng aking account kung pipiliin kong hindi kumpletuhin ang Identity Verification?
Dapat kumpletuhin ng lahat ng bagong user ang Identity Verification bago nila magamit ang mga produkto at serbisyo ng KuCoin.

Ang mga user na naka-register bago ang Agosto 31, 2023 (UTC+8) pero hindi pa nakakumpleto sa standard Identity Verification ay haharap sa ilang partikular na limitation sa account. Magagawa lang nila na: mag-sell ng cryptocurrency, mag-close ng mga futures contract, mag-close ng mga margin position, mag-redeem ng mga asset mula sa KuCoin Earn, at mag-redeem ng mga ETF. Sa time na ito, hindi na sila makakapagsagawa pa ng anumang deposit (mananatiling hindi apektado ang mga withdrawal service).

3.2 Pagkatapos makumpleto ang Identity Verification, ano’ng mga benefit ang mae-enjoy ko?
Kapag fully verified ka, magkakaroon ka ng access sa lahat ng produkto at serbisyo. Kabilang dito ang mas matataas na daily withdrawal limit, at makakasali ka sa KuCoin Spotlight, kung saan maaari kang mag-participate sa mga token event para sa mga promising na project.

Kapag na-verify ka, pinipigilan din nito ang iba sa mapanlinlang na paggamit ng iyong identity para sa mga mapanloko o ilegal na activity. Kung sakaling makalimutan mo ang iyong mga platform credential, o kung ang account mo ay nakompromiso ng data breach sa iyong panig, makakatulong ang ibibigay mong information sa mabilis na pag-recover ng iyong account.

Ang pinakamahalaga, ang mga account na na-verify lang ang maaaring gumamit ng mga fiat-to-crypto service ng KuCoin.

 

Umaasa kaming nakatulong sa iyo ang gabay na ito! Kung mayroon ka pang anumang question, available ang aming support team nang 24/7 sa online chat o puwede ka ring mag-submit ng ticket.

Happy trading sa KuCoin!