ST: Ide-delist ng KuCoin ang Ilang Partikular na Project at ang mga Kaugnay na Token ng mga Ito

Dear KuCoin User,
Ayon sa Rules sa Special Treatment ng KuCoin, napasailalim sa pag-delist ang mga sumusunod na project at aalisin sa platform ang mga kaugnay na token ng mga ito:
- Hubble Protocol (HBB)
- Bitune AI Platform Token (TUNE)
- NexGami (NEXG)
- ABBC Coin (ABBC)
- H2O DAO (H2O)
- WazirX (WRX)
Kaugnay nito, aalisin ang mga sumusunod na trading pair:
HBB/USDT, TUNE/USDT, NEXG/USDT, ABBC/USDT, H2O/USDT, at WRX/USDT
Ganito ang proseso ng pag-delist:
1. Automatic na ihihinto ng KuCoin Trading Bot ang mga nagra-run na bot ng mga nabanggit na trading pair sa oras na 15:45:00 sa Disyembre 30, 2024 (UTC+8), kabilang ang Spot Grid, Infinity Grid, DCA, Spot Martingale, at AI Spot Trend. Ang mga nabanggit na trading pair na hino-hold ng mga bot ng Smart Rebalance ay ita-transfer sa trading account ng user. Paki-dispose ang mga relevant na asset sa tamang oras.
2. Ide-delist ang mga nabanggit na trading pair sa oras na 16:00:00 sa Disyembre 30, 2024 (UTC+8). Para sa mas mahusay na pag-manage ng funds mo, inire-recommend namin na i-cancel mo ang iyong pending orders para sa mga apektadong project sa lalong madaling panahon.
3. Mananatiling naka-close ang deposit service para sa mga project na nabanggit sa itaas.
4. Iko-close ang withdrawal service para sa mga nabanggit na project sa oras na 18:00:00 sa Enero 27, 2025 (UTC+8).
5. Kung nagho-hold ka ng mga nabanggit na token sa kasalukuyan, paki-withdraw ang mga ito sa o bago ang petsa ng pag-close na nabanggit sa itaas.
6. Paki-note din na sa period na ito, kung nag-fail ang withdrawal dahil sa mga project-related na issue (kabilang ang, pero hindi limitado sa paghinto ng on-chain activities tulad ng block generation at fund transfers), iko-close ng KuCoin ang withdrawal service nang naaayon, at HINDI nito mako-cover ang mga loss ng mga user. Kaya, lubos naming ina-advise ang pagsasagawa ng iyong mga withdrawal sa pinakamaagang oras na convenient para sa’yo.
7. Para maiwasan ang anumang potential loss, lubos naming inire-recommend na i-monitor mo ang mga update sa special page ng Mga Pag-delist ng KuCoin. Makikita mo rin ang mga nakaplanong oras ng pag-close para sa trading, deposits, at withdrawals ng lahat ng na-delist na token bilang karagdagan sa mga announcement.
8. Kung mayroon kang anumang iba pang katanungan, makipag-ugnayan sa aming 24/7 customer support via online chat o mag-submit ng ticket.
Taos-puso naming naa-appreciate ang iyong suporta at pag-unawa.
Lubos na bumabati,
Ang KuCoin Team
Hanapin ang Susunod na Crypto Gem sa KuCoin!
Mag-sign up sa KuCoin ngayon!>>>
I-download ang KuCoin App >>>
I-follow kami sa X (Twitter) >>>
Samahan kami sa Telegram >>>
Sumali sa KuCoin Global Communities>>>