Paggamit ng KCS para Makatipid ng 20% sa mga Trading Fee
Madalas na nagte-trade sa KuCoin? Narito ang isang gabay para matulungan kang bawasan ang mga trading fee mo.
Bagama’t ang standard fee rate ng KuCoin na 0.1% ay isa na sa the best, mas bumababa pa ito sa pamamagitan ng aming native token na KCS!
Mga Content
2. Paano I-enable ang mga Fee Payment Gamit ang KCS
1. Ano ang KCS?
Ang KCS ay ang native token ng KuCoin. Ni-launch ito noong 2017 bilang utility token na nagbibigay-daan sa mga trader na mag-benefit habang naggo-grow ang exchange. In-issue ito bilang isang ERC-20 token sa Ethereum network, kaya compatible ang KCS sa karamihan ng mga Ethereum wallet.
Sa kalagitnaan ng 2021, ang ilang KCS ay na-migrate sa KuCoin Community Chain (KCC). Bilang primary fuel ng KCC, pinapagana ng KCS ang lahat ng dapp sa ecosystem ng chain.
Ang initial total supply ng KCS ay naka-set sa 200 million, at nababawasan ito dahil sa monthly burn mechanism hanggang sa 100 million KCS na lang ang natitira.
▶ Para sa higit pang detalye, pumunta sa Official Website ng KCS
▶ Alamin ang tungkol sa KCS at ang mga function nito sa aming naunang article sa blog: Ano ang KCS at Paano Ito Gumagana
2. Paano I-enable ang mga Fee Payment Gamit ang KCS
Web:
I-select ang iyong avatar sa top-right para i-access ang User Profile mo. Makikita mo roon ang option para i-enable ang KCS para sa mga fee payment.
Kung nasa page ng trade ka, i-select ang Mga Fee Discount sa top-right ng trading panel.
App:
I-tap ang icon ng Personal sa top-left corner, i-enable ang Pay Fees with KCS.
KCS Staking:
Kasali ka ba sa staking sa kasalukuyan pero gusto mo pa ring bayaran ang mga fee mo gamit ang iyong staked KCS? Walang problema!
Simple lang, i-enable ang Pay Fees with Staked Amount sa page ng staking, kasama ang mga naunang step para sa Pay Fees with KCS.
3. Mga FAQ
Bakit pareho pa rin ang fee kahit na na-enable na ang feature?
Pagkatapos i-enable ang Pay Fees with KCS, inaalok sa rebate ang 20% discount. Halimbawa, kung ang trading fee mo ay 1.00 USDT na binayaran gamit ang KCS, makakatanggap ka ng 0.20 USDT pabalik sa KCS.
Nasa aling mga account dapat naroroon ang KCS para mabayaran ang mga trading fee?
Ang iyong KCS ay dapat na nasa Funding Account, Trading Account, o in-stake sa KCS Staking.
Paano kung hindi sapat ang KCS balance ko?
Kung hindi sapat ang iyong KCS balance, hindi mag-a-apply ang 20% discount sa mga trade mo.
Anong mga type ng mga trade ang eligible para sa discount?
Sa kasalukuyan, parehong applicable sa spot at margin trading ang 20% KCS discount.
Paano ko mache-check ang aking history ng KCS fee payment?
(1) Para sa mga KCS market trade, dalawang record ang makikita mo: ang trading fee sa KCS at ang refunded fee.
Halimbawa, nag-i-incur ng 1.00 USDT fee ang pag-trade sa MJT/KCS pair, kaya ang dalawang record na ipapakita ay ang 1.00 USDT deduction sa KCS, at ang 0.20 USDT rebate sa KCS.
(2) Para sa mga non-KCS market trade, may tatlong bahagi ang bawat transaction: original trading fee, payment sa KCS, at refunded fee.
Halimbawa, kung nag-i-incur ng fee na 1.00 USDT ang pag-trade sa BTC/USDT pair, ang tatlong record na ipapakita ay ang 1.00 USDT fee, 0.80 USDT deduction sa KCS, at 1.00 USDT rebate.
Matatagpuan ang detalyadong history sa Mga Asset > Funding Account > Mga Detalye ng Account.
Paano kina-calculate ang KCS fee payment?
Kapag na-enable na, ang mga trading fee na na-settle sana sa USDT originally ay sisingilin bilang KCS pagkatapos mag-apply ng 20% discount.
Puwede mong i-view ang mga original na USDT trading fee anumang oras mula sa Mga Spot Order > History ng Trade.
Ganito ito gumagana:
(1) Para sa Trading sa mga KCS Pair (hal., KCS/USDT):
Ang iyong mga fee ay discounted batay sa last KCS/USDT market price.
(2) Para sa Trading sa mga Non-KCS Pair (hal., TRX/USDT):
Ganito kina-calculate ang discount,
KCS/TRX Discount = KCS/USDT Last Market Price ÷ TRX/USDT Last Market Price.
Pag-calculate ng Discounted KCS Amount:
Para isaalang-alang ang mga market fluctuation, kina-calculate namin ang discounted KCS amount sa 5% na mas mababa kaysa sa last market price. Halimbawa, kung ang iyong fee ay 1.00 USDT, ika-calculate ang discounted KCS amount bilang (1.00 USDT × 80%) / (KCS/USDT last market price × 95%).
Puwede mong i-check ang detalyadong breakdown ng iyong mga discounted fee sa section ng Trading Account > Mga Detalye ng Account.
Tandaan:
- Nag-a-update bawat segundo ang last market price.
- Para sa spot trading, ang fee discount ay nag-a-apply batay sa fee rate ng base currency. Kung ang fee rate para sa Class A, B, o C ay mas mababa sa 0.025%, 0.050%, o 0.075% ayon sa pagkakabanggit, hindi applicable ang discount, at babayaran mo ang buong fee sa quote currency ng trading pair. Ide-determine sa pamamagitan ng master account ang fee rate na ito.
- Ide-deduct mula sa account na gumawa ng trade ang discounted KCS para sa transaction.
Kailangan ng tulong?
Available 24/7 ang customer support team namin. Huwag mahihiyang makipag-ugnayan sa pamamagitan ng online chat o mag-submit ng ticket kung mayroon kang anumang iba pang question.
Happy trading sa KuCoin!