Range Bound

1. Ano ang Range Bound?
Ang Range Bound ay isang structured product na idinisenyo para mag-alok ng high returns sa phases ng market consolidation, na kilala rin sa ibang tawag na mga range-bound market. Sa pamamagitan ng tamang pag-predict ng price range ng isang asset, ang Range Bound ay nag-aalok sa iyo ng chance para sa higher yields.
Pagkatapos ng pag-purchase, ang iyong order ay instant na ia-anchor sa real-time price ng corresponding cryptocurrency sa spot market.
Scenario 1:
Sa pagtatapos ng term ng produkto, kung ang spot market price ng asset ay hindi kailanman nag-exceed sa predefined range, mag-e-earn ka ng higher yields sa settlement.
Scenario 2:
Sa pagtatapos ng term ng produkto, kung ang spot market price ng asset ay nag-exceed sa predefined range, mana-knock out ang order, at mala-lock in ang value nito. Kung mangyayari ito, ang settlement amount ay maaaring mas mababa kaysa sa iyong principal.
Babala sa Risk: Maaaring magresulta sa pagkawala ng principal ang produktong ito. Pakigamit nang may caution.

2. Paano gumagana ang settlement para sa Range Bound?
Kung mananatili sa loob ng range ang price:
Profit = Amount Subscribed * Estimated APR * Days Subscribed / 365
Kung nag-exceed sa range ang price:
Settlement Amount = Principal * (1 - Risk Ratio)

3. Paano Mag-subscribe
Method 1: Pumunta sa KuCoin Earn, i-select ang Mga Structured Product, Range Bound. Mula roon, i-select ang iyong target currency at ang currency kung saan mo nais mag-subscribe, ang gusto mong APR at mga nauugnay na parameter, at pagkatapos ay i-select ang Mag-subscribe para mag-proceed at i-confirm ang iyong purchase.

Method 2: I-access ang homepage ng KuCoin Earn, at pagkatapos ay i-select ang Range Bound sa ilalim ng list ng mga structured product.

4. Saan ko mavu-view ang mga Range Bound product kung saan ako nag-subscribe?
Web:
I-access ang Financial Account sa top navigation bar para i-view ang mga produkto kung saan ka naka-subscribe. Sa ilalim ng Mga Detalye, mache-check mo ang status ng anumang subscribed product.

App:
I-access ang iyong Financial Account sa pamamagitan ng icon ng Account sa ibaba ng app, at i-tap para i-view ang mga produkto kung saan ka naka-subscribe. I-select ang mga subscribed product para i-check ang status ng mga ito.

5. Saan ko makikita ang mga settlement amount ng mga Range Bound product ko?
Web:
I-access ang iyong Financial Account mula sa top navigation bar, i-select ang Mga Detalye ng Account, i-filter ayon sa type ng produkto, at hanapin ang mga detalye ng transaction mo sa Range Bound.

App:
I-access ang iyong Financial Account mula sa icon ng Account sa ibaba ng app, i-select ang Mga Detalye ng Account sa top right, at hanapin ang mga detalye ng transaction mo sa Range Bound.