KuCard

FAQ sa Application para sa KuCard

Huling in-update noong: 11/26/2025

Mga General Inquiry sa KuCard

Ano ang KuCard?

Ang KuCard ay isang crypto-enabled na debit card na idinisenyo para seamless na i-integrate ang digital at traditional finance. Binibigyang-daan nito ang mga user na i-utilize ang kanilang mga cryptocurrency asset para sa araw-araw na transaction, kaya nabi-bridge ang gap sa pagitan ng crypto at mga fiat currency.
 

Ano ang mga key feature ng KuCard?

Nag-aalok ang KuCard ng ilang unique na feature:
Instant na Crypto-to-Fiat Conversion: Kino-convert ng card ang mga cryptocurrency mo sa fiat currency, na nagbibigay-daan sa walang hassle na pag-spend sa milyon-milyong store na tumatanggap ng VISA.
I-spend ang Iyong Crypto: Gamitin ang mga cryptocurrency mo para sa mga araw-araw na transaction.
Mga Exclusive na Reward at Cashback: Mag-earn ng hanggang 3% cashback, kasama ng mga discount at higit pa.
Seamless na Integration ng Payment: I-connect ang KuCard mo sa Apple Pay at Google Pay para sa mga convenient na digital payment.
Enhanced na Security: I-track ang mga transaction gamit ang mga notification at detalyadong history, kaya natitiyak ang secure at transparent na pag-spend.
Global na Acceptance: Gamitin ang KuCard mo kahit saan basta’t tinatanggap ang Visa. Nagpo-provide ito ng walang katulad na convenience.
 

Ano ang mga supported na currency para sa KuCard?

Sa kasalukuyan, supported ng KuCard ang sumusunod na fiat currency:
EUR
Maraming klase ng mga cryptocurrency ang supported ng KuCard, kabilang ang:
USDT
USDC
BTC
ETH
XRP
KCS
Bilang karagdagan, supported ng KuCard ang maraming iba pang cryptocurrency, gaya ng:
ADA ALGO ARB ATOM AVAX BNB BONK CAT CGPT CSPR
DOGE DOGS DOT FIL FTM GALAX ICP IMX INJ JASMY
KAS KDA LINK LTC LUNC METIS NAKA NEAR OP ORDI
PEPE POL PYTH QNT SEI SHIB SOL STX SUI TIA
TON TRB TRX VRA WLD XAI XLM XMR MON  
 

Paano ko magagamit ang aking KuCard?

Simple at convenient ang paggamit ng KuCard mo. Narito kung paano mo ito magagamit para sa mga araw-araw na transaction:
1. Magbayad sa mga Store:
• Puwede mong gamitin ang iyong KuCard sa anumang merchant na tumatanggap ng Visa. Pakitandaan na ang KuCard ay isang debit card, kaya hindi mo ito magagamit para sa mga transaction sa credit card.
2. Mga Online Purchase:
• Gamitin ang KuCard mo para sa online shopping. I-enter ang mga detalye ng card mo sa pag-check out tulad ng ginagawa mo sa anumang iba pang debit card.
3. Integration sa Digital Wallet:
• I-connect ang KuCard mo sa Apple Pay o Google Pay para sa mga convenient na digital payment. Nagbibigay-daan ito sa iyo na gamitin ang card mo sa pamamagitan ng iyong smartphone para sa mga contactless na payment.
 

Paano ko ima-manage ang aking KuCard on the go?

Maaari mong pamahalaan ang iyong KuCard sa KuCoin.com o KuCard mobile app.
1. I-download ang KuCard app:
• Magagamit para sa iba't ibang mga mobile platform.
• Gamitin ang app para i-manage ang account mo, i-track ang mga transaction, at i-explore ang mga benefit.

Ano’ng dapat kong gawin kung na-hack o nawala ang aking KuCard?

Kung na-hack o nawala ang KuCard mo, sundin ang mga step na ito:
1. I-freeze ang Iyong Card:
• Mag-log in sa KuCoin account mo at mag-navigate sa section ng KuCard para i-freeze ang iyong card.
2. I-report ang Incident:
• Kontakin ang customer support team ng KuCoin para i-report ang hack o pagkawala, at mag-request ng replacement card.
3. Mag-request ng Replacement Card:
• Sundin ang self-service na card replacement process ng KuCoin para makakuha ng bagong card.

Saan ko mahahanap ang aking KuCard PIN?

Upang tingnan ang iyong KuCard PIN, sundin ang mga detalyadong hakbang na ito:
1.Mag-log in sa Iyong Account
• I-access ang website ng KuCard at mag-log in gamit ang iyong mga kredensyal.
2.Mag-navigate sa 'My Cards'
• Kapag naka-log in, pumunta sa seksyong 'Aking Mga Card' kung saan makikita mo ang mga detalye ng iyong KuCard.
3. Piliin ang 'Tingnan ang PIN'
• Mag-click sa opsyon upang tingnan ang iyong PIN.
4.Email Verification
• May lalabas na pop-up na humihingi ng email verification code.
• Ilagay ang verification code na ipinadala sa iyong nakarehistrong email address.
5.Tingnan ang Iyong PIN
•Pagkatapos makumpleto ang mga hakbang sa pag-verify, ang iyong PIN ay ipapakita. Halimbawa, maaaring lumabas ang PIN bilang "6928."
Puwede mo ring baguhin ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga step na ito:
1. Mag-log in sa Iyong KuCoin Account:
• Tiyaking naka-log in ka sa account na naka-associate sa KuCard mo.
2. Mag-navigate sa Settings ng Card:
• Pumunta sa section ng KuCard at i-select ang Settings ng Card.
3. Baguhin ang PIN:
• I-select ang Setting ng Security at pagkatapos ay Baguhin ang PIN para i-update ang PIN code mo.
4.Enter Current PIN
•Sa window na "Palitan ang PIN", ilagay ang iyong kasalukuyang PIN.
5. Kumpirmahin ang Bagong PIN
•Muling ilagay ang iyong bagong PIN upang kumpirmahin ito.
6.Email Verification
• May lalabas na pop-up na humihingi ng email verification code.
• Ilagay ang verification code na ipinadala sa iyong nakarehistrong email address.
7. Matagumpay na nakumpleto ang change/pagbabago ng PIN

Saan ko mai-update ang aking KuCard 3DS Code?

Upang i-update ang iyong 3DS code, sundin ang mga hakbang na ito:
1.Mag-log in sa Iyong Account
• I-access ang website ng KuCard at mag-log in gamit ang iyong mga kredensyal.
2.Mag-navigate sa 'Mga Setting ng Seguridad'
• Mula sa pangunahing dashboard, pumunta sa seksyong 'Mga Setting ng Seguridad'.
3. Piliin ang 'I-update ang 3DS'
• Mag-click sa opsyong may label na 'I-update ang 3DS.'
4.Ipasok ang Bagong 3DS Code
• Ilagay ang iyong bagong 3DS code sa itinalagang input field.
5.Email Verification
• May lalabas na pop-up window na may pamagat na "Email Verification."
• Ilagay ang verification code na ipinadala sa iyong nakarehistrong email address.
6.Confirmation
• Dapat mong makita ang isang mensahe na nagsasaad na ang change/pagbabago ay matagumpay.

Mga Inquiry sa Application para sa KuCard

Sino ang puwedeng mag-apply para sa KuCard?

Sa kasalukuyan, ang KuCard ay eksklusibong magagamit sa mga mamamayan ng European Economic Area (EEA). Para mag-qualify, dapat na successful na makumpleto ng mga applicant ang Identity Verification gamit ang valid na identity document na issued sa loob ng EEA.
Kasama sa EEA ang Austria, Belgium, Bulgaria, Croatia, Cyprus, Czech Republic, Denmark, Estonia, Finland, Germany, Greece, Hungary, Ireland, Italy, Latvia, Lithuania, Luxembourg, Malta, Poland, Portugal, Romania, Slovakia, Slovenia, Spain, Sweden, kasama ang Iceland at Norway. (Ang Netherlands at France ay pansamantalang hindi bukas para sa aplikasyon)
 

Anong impormasyon ang kailangan ng KuCoin para ma-verify ang aking identity?

Para sumunod sa mga financial regulation at magbigay ng proteksyon laban sa fraud, maaaring i-request ng KuCoin ang iyong passport, national ID, o proof of address documentation para sa Identity Verification.
 

Pag-troubleshoot ng mga Issue sa Application para sa KuCard

Kung nakakaranas ka ng mga issue sa pag-apply para sa KuCard, tiyaking natutugunan ng mga document mo sa Identity Verification ang sumusunod na criteria:
Type: ID card o passport mula sa EEA.
Validity: Hindi dapat expired o malapit nang mag-expire.
Edad: Alinsunod sa aming Terms ng Serbisyo, ang mga applicant ay dapat nasa pagitan ng 18 at 65 taong gulang.
Kung maayos naman ang iyong mga document pero nakakaranas ka pa rin ng mga issue, handang tumulong ang aming customer support team.
Mga Karaniwang Dahilan ng Rejection sa Application para sa KuCard
Maaaring ma-reject ang application mo dahil sa:
1. Hindi Valid na Phone Number:
• Tiyaking mga number o "+" lang ang ginagamit mo, at walang special character.
2. Hindi Tamang Pangalan o Shipping Address:
• Ang apelyido o pangalang inilagay sa page ng shipping address ay dapat na may kahit dalawang character man lang at walang special character.
• Nasa mga English character lang dapat ang shipping address.
3. Hindi Valid na 3DS Password:
• Kasama sa mga pinapayagang character ang A-Z, a-z, 0-9, at karamihan sa mga special character; hindi pinahihintulutan ang mga space.
4. Mga Maling Detalye ng Petsa ng Kapanganakan o Date of Birth (DOB):
• Pagkatapos mong i-click ang "Mag-apply Ngayon", paki-confirm kung tama ang impormasyon ng DOB.
5. Hindi Sapat ang Balance:
• Tiyaking mayroon kang sapat na balance sa fiat at crypto sa Funding Account mo para sa 9.99 EUR na application fee.

Mga Inquiry sa Delivery ng KuCard

Sa Karaniwan, Gaano Katagal ang Delivery ng KuCard?

1. Standard Delivery:
Timeframe: 1 hanggang 6 na week
Cost: Libre
Tracking: Walang available na tracking
2. Express Delivery
Timeframe: Humigit-kumulang 5 araw
Cost: €30
Tracking: Pino-provide ng DHL o DPD Express
Hindi Ko Natanggap ang Aking Physical KuCard. Ano’ng Dapat Kong Gawin?
1. Para sa Standard Post Office Delivery:
Pakikontak ang iyong local post office para sa higit pang impormasyon tungkol sa delivery mo.
2. Para sa DHL Express Delivery:
Makikita mo ang iyong DHL tracking number sa confirmation email na sinend noong na-approve ang card mo para i-track ang status ng KuCard mo.
Para magpa-assist pa, puwede kang makipag-ugnayan sa customer support team ng KuCoin anumang oras. Handa silang tumulong sa paglutas ng anumang issue na nauugnay sa delivery ng KuCard mo.

Mga Inquiry sa Multiple Cards ng KuCard

Kung mag-a-apply ako para sa KuCard, ilang ba ang puwede?

Sa application para sa KuCard, nakadepende sa VIP level mo kung ilan ang puwede:
• VIP 0: Hanggang 2 virtual cards at 2 physical cards.
• VIP 1 o mas mataas pa: Hanggang 3 virtual cards at 3 physical cards.
 

Paano ako mag-a-apply para sa karagdagang KuCard?

1. Mag-navigate sa page ng KuCard.
• I-click ang “Magdagdag ng bagong card” sa landing page o sa page ng Mga Card Ko.
2.Email Verification
• May lalabas na pop-up window na may pamagat na "Email Verification."
• Ilagay ang verification code na ipinadala sa iyong nakarehistrong email address.
3. Pumili ng type ng card.
• Pumili ng alinman sa isang Physical card o isang Virtual Visa card.

Ano ang pinagmumulan ng pondo para sa bawat card?

Ang lahat ng KuCard ng cardholder ay naka-link sa kanyang Funding/Trading Account. Nangangahulugan ito na ang anumang transaction na isinagawa sa alinman sa mga card ay kukuha ng funds mula sa parehong account.

Mae-enjoy ba ng ika-2 o ika-3 card ko ang cashback?

Oo, eligible na mag-earn ng cashback ang lahat ng card. Ibig sabihin nito, kahit na una, ikalawa, o ikatlong card man ang ginagamit mo, mag-e-earn ka pa rin ng cashback sa mga eligible na purchase.

Paano ko madi-differentiate ang aking mga physical card?

Para madaling ma-differentiate ang mga physical card mo, sina-suggest namin sa mga user na mag-create ng distinctive na pangalan para sa bawat card nila. Makakatulong ito sa iyo na mabilis na ma-identify kung aling card ang ginagamit mo para sa mga specific na transaction o purpose.