Pinangungunahan ng mga Web3 wallet ang digital finance revolution. Essential ang mga ito para sa sinumang papasok sa mundo ng blockchain. Sinasaklaw ng aming gabay ang lahat mula sa mga pangunahing kaalaman hanggang sa mga advanced na paggamit, na tutulong sa iyo na i-manage ang mga asset mo at i-leverage ang potential ng decentralized finance.
Ibahagi
Ano ang Web3 Wallet?
Ang mga Web3 wallet ay mga digital wallet na idinisenyo para sa pag-engage sa decentralized apps (dapps) sa blockchain networks. Sinu-support ng mga ito ang core functionalities ng decentralized web, na kilala rin bilang Web 3.0. Ang mga wallet na ito ay higit pa sa conventional na digital wallet, at may features na nagbibigay-daan para sa mas malaking degree ng decentralization at use cases. Maaaring self-custodial o non-custodial ang mga Web3 wallet.
Ang Web3 wallet ay higit pa sa digital wallet; personal key mo ito sa decentralized web, o Web 3.0. Hindi tulad ng mga traditional wallet, ang mga Web3 wallet ay software na nag-i-interface nang direkta sa mga blockchain network, na nagbibigay-daan sa iyo na i-manage nang secure ang digital assets mo tulad ng cryptocurrencies at NFTs.
Paano Gumagana ang mga Web3 Wallet?
Ang mga Web3 wallet ay key tool sa mundo ng blockchain, dahil nagsisilbing bridge ang mga ito sa pagitan ng mga user at ng decentralized web. Secure na nagso-store ang mga digital wallet na ito at ine-enable kang makipag-interact sa decentralized ecosystem ng mga blockchain network at app.
Nag-aalok ng security, autonomy, at functionality, narito ang overview kung paano gumagana ang mga Web3 wallet:
1
Mga Cryptographic Key
Public Key: Ang iyong public key ay katulad ng address ng wallet mo. Puwede mo itong i-share para makatanggap ng funds o gumamit ng decentralized applications (dapps). Generated ito mula sa private key, pero hindi nito mare-reveal o made-deduce ang iyong private key.
Private Key: Itinuturing ding password ng wallet mo, napakaimportante nito sa pag-authorize ng transactions at pag-access ng iyong funds. Dapat panatilihing secure at confidential ang iyong private key, dahil makokontrol ng sinumang may access dito ang mga asset sa wallet mo.
2
Wallet AddressAng bawat Web3 wallet ay may sariling unique address, na generated mula sa public key nito. Ginagamit ang address na ito para magpadala at tumanggap ng digital assets tulad ng cryptocurrencies at NFTs.
3
Pag-interact sa mga Blockchain at DappPuwedeng mag-connect ang mga Web3 wallet sa iba't ibang blockchain network. Nagbibigay-daan ito para makapag-manage ka ng iba-ibang type ng cryptocurrencies, dahil ang bawat blockchain ay may sariling set ng rules at supported na assets.
4
Pag-trade, Pag-store, at Pag-swap ng mga Token
Para gumawa ng transaction (gaya ng pagpapadala ng cryptocurrency), magki-create ka ng transaction request. Kasama sa request ang address ng recipient, amount, at transaction fee.
Ginagamit ng wallet ang iyong private key para i-sign ang transaction, na magko-confirm sa ownership ng funds nang hindi nire-reveal ang mismong key.
Pagkatapos, ang signed transaction ay ibo-broadcast na sa network kung saan vine-verify at idinaragdag ito sa blockchain.
5
Pag-interact sa mga Smart Contract
Ang mga Web3 wallet ay puwedeng makipag-interact sa mga smart contract sa blockchain. Essential ito para sa paggamit ng mga dapp, pag-participate sa mga DeFi platform, at pag-handle ng mga NFT.
Nagpapadala ang wallet ng mga transaction sa smart contract, na nag-e-execute ng predefined rules kapag natugunan ang certain conditions.
6
Security at Control
Hindi tulad ng mga tradisyonal na bank account o online wallet, binibigyan ka ng Web3 wallet ng complete control sa iyong mga asset. Walang intermediary gaya ng mga bank o financial institution.
Ginagamit ang mga security measure tulad ng mga seed phrase (mga recovery phrase) para sa backup at recovery ng mga wallet.
7
User InterfaceMay user-friendly na interface ang mga modernong Web3 wallet. Kaya naman, mas madaling i-view ang mga balance, i-explore ang mga history ng transaction, at makipag-interact sa mga dapp.
8
Mga Network FeeAng mga transaction sa blockchain ay nagre-require ng mga network fee (kadalasan sa native cryptocurrency ng blockchain). Kino-compensate ng mga fee na ito ang mga miner o mga validator para sa pagproseso at pag-secure ng mga transaction.
9
Nagsu-support ng maraming cryptocurrencyMaraming Web3 wallet ang nagsu-support ng multiple cryptocurrencies, na nagbibigay-daan sa iyo na mag-manage ng magkakaibang asset mula sa iisang place. Halimbawa, supported ng MetaMask ang Ethereum at ilang iba pang nangungunang EVM-compatible blockchain.
Mga Web3 Wallet vs. Mga Custodial Wallet
Ang mga Web3 wallet ay mga decentralized at non-custodial wallet, ibig sabihin, binibigyan ka ng mga ito ng full control sa iyong mga private key. Ine-enable din ng mga ito ang direktang engagement sa mga blockchain network, mga dapp, at iba pang functionality ng smart contract. Samantala, ang mga wallet sa mga centralized exchange ay mga custodial wallet na mina-manage ng mga centralized platform. Bagama't nag-aalok ang mga ito ng mga integrated na trading service, kadalian ng paggamit, at customer support, ang trade-off ng mga ito ay walang direktang control ang mismong mga user sa mga private key nila.
Nag-aalok ang mga Web3 wallet ng ilang advantage kaysa sa mga centralized exchange (CEX) wallet. Nagki-cater nang mas mahusay ang mga wallet na ito para sa mga nagpa-prioritize ng autonomy, security, at direktang blockchain interaction:
Full Control at Enhanced Security: Nagpo-provide ang mga Web3 wallet ng complete ownership ng mga private key, kaya nababawasan ang vulnerability sa mga centralized failure tulad ng mga exchange hack o mismanagement.
Direktang Blockchain Access: Ine-enable ng mga wallet na ito ang direktang interaction sa mga dapp, DeFi platform, at smart contract, na nagbibigay-daan para sa mga activity tulad ng staking, yield farming, at NFT trading.
Privacy at Anonymity: Maaaring mag-alok ang mga Web3 wallet ng higit pang privacy dahil hindi naman nagre-require ang mga ito ng personal identification, hindi tulad ng mga centralized exchange na kadalasang nagre-require ng mga procedure sa KYC.
Malawak na Range ng mga Supported na Asset: Kadalasang nagsu-support ang mga Web3 wallet ng hanay ng mga cryptocurrency at token, lalo na mula sa Ethereum ecosystem.
Interoperability at mga Innovative na Feature: Maraming Web3 wallet ang interoperable sa iba't ibang blockchain network at kadalasang nag-i-incorporate ng mga latest na innovation sa blockchain nang mas mabilis kaysa sa mga centralized exchange wallet.
Bagama't may mga benefit ang mga ito, maaaring may mga certain drawback ang mga Web3 wallet kumpara sa mga Centralized Exchange (CEX) wallet, lalo na para sa mga nagpa-prioritize ng convenience at support.
User Responsibility at Complexity: Ang security ng mga Web3 wallet ay responsibility ng user, na maaaring maging challenging para sa mga beginner. Kapag na-misplace ang mga private key o recovery phrase, maaari itong magresulta sa irreversible na pagkawala ng mga asset.
Limited Support at Vulnerability sa mga Error: Ang mga Web3 wallet ay karaniwang kulang sa dedicated na customer support at prone sa mga user error, tulad ng pagpapadala ng funds sa maling address. Madalas ding kulang sa direktang fiat-to-crypto conversion services ang mga ito.
Exposure sa mga Smart Contract Risk at Gas Fee: Direktang nakikipag-interact ang mga Web3 wallet sa mga dapp at smart contract, kaya posibleng ma-expose ang mga ito sa mga vulnerability o bug. Madalas na nag-i-incur ng mga network fee ang mga transaction, na maaaring maging mataas kapag congested ang network.
Iba't ibang Gamit ng mga Web3 Wallet
Ang mga Web3 wallet ay higit pa sa digital asset storage. Ang mga ito ay mga gateway sa blockchain ecosystem, na nagbibigay-daan sa interaction sa mga decentralized service, management ng mga digital identity, at active participation sa decentralized finance at governance. Ina-allow ka ng mga ito na:
1
I-manage ang Iyong mga Cryptocurrency
Pag-store ng mga Digital Asset: Pangunahing ginagamit ang mga Web3 wallet para mag-store ng mga cryptocurrency tulad ng Bitcoin, Ethereum, at marami pang iba.
Pagpapadala at Pagtanggap ng mga Transaction: Ine-enable ng mga ito ang mga digital currency transaction, kaya essential ang mga ito sa paggawa ng mga bagay-bagay gamit ang mga cryptocurrency.
Mag-swap ng mga Token: Maraming wallet ang nag-aalok ng mga integrated platform o connectibility sa mga DEX para sa pag-swap ng mga token nang direkta sa loob ng wallet.
2
Makipag-interact sa mga Decentralized Application (mga Dapp)Ine-enable ng mga Web3 wallet ang mga user na mag-connect at makipag-interact sa iba't ibang decentralized application (dapp) sa iba-ibang blockchain network. Maaaring kabilang sa mga ito ang decentralized exchanges (DEXs), gaming platforms, social media applications, at higit pa.
3
Mag-participate sa Decentralized Finance (DeFi)
Pag-access sa mga DeFi Service: Puwedeng makisali ang mga user sa mga DeFi activity tulad ng pag-lend, pag-borrow, staking, yield farming, at pag-participate sa mga liquidity pool.
Pag-manage ng mga DeFi Investment: Puwedeng gamitin ang mga Web3 wallet para i-manage at i-track ang mga investment sa iba't ibang DeFi platform.
4
Mag-manage ng mga Non-Fungible Token (mga NFT)
Pag-buy, Pag-sell, at Pag-store ng mga NFT: Ginagamit ang mga Web3 wallet para mag-manage ng mga NFT, na nare-represent ng ownership ng mga unique na digital item tulad ng art, collectibles, at marami pang iba.
Pag-interact sa mga NFT Marketplace: Puwede ring gamitin ng mga user ang mga ito para makipag-interact sa mga NFT platform para mag-trade ng digital collectibles.
5
Mag-execute ng mga Smart ContractBinibigyang-daan ng mga Web3 wallet ang mga user na mag-execute ng mga function ng smart contract (mga self-executing contract na may terms ng kasunduan na direktang naka-write sa code).
6
Mag-participate sa Governance at mga DAOPuwedeng gamitin ang mga wallet para mag-participate sa governance votes, na nako-contribute sa mga proseso ng decision-making sa mga decentralized organization.
7
I-authenticate ang Iyong Identity sa Web3
Mga Decentralized Identifier: Nag-aalok ang ilang Web3 wallet ng mga feature para sa pag-manage ng mga digital identity (mga DID), na nagbibigay-daan sa iyo na i-control ang personal data mo at kung paano ito sine-share sa loob ng web3 ecosystem.
Pag-sign in sa mga dapp: Puwede ring gamitin ang mga Web3 wallet para secure na mag-sign in sa mga dapp nang hindi nangangailangan ng mga traditional na username at password.
8
Cross-Chain SupportAng mga advanced na Web3 wallet ay nagsu-support ng multiple blockchain networks. Dahil dito, nakakapag-manage ang mga user ng mga asset sa iba't ibang blockchain.
9
Mag-earn ng Passive Income sa Pamamagitan ng StakingGamit ang mga Web3 wallet, maaari mong i-stake ang iyong cryptocurrency nang direkta sa loob ng wallet interface, na nagko-contribute sa consensus at security ng mga supported na blockchain network, tulad ng PoS blockchains. Sa pamamagitan ng pag-stake ng mga asset mo, maaari kang mag-earn ng passive income sa form ng mga staking reward, na dini-distribute para sa pag-participate at pag-support sa mga operation at security ng network.
Paano Mag-create ng Iyong Web3 Wallet: Step-by-Step na Gabay
Ang pag-create ng Web3 wallet ay isang straightforward process. Narito ang step-by-step na gabay para matulungan kang i-set up ang sarili mong Web3 wallet:
1
Piliin ang Iyong Wallet Type
Magpasya sa Type ng Wallet
Mga Software Wallet: Ito ang mga application na puwede mong i-download sa iyong computer o smartphone. Convenient, pero less secure kaysa sa mga hardware wallet.
Mga Hardware Wallet: Mga physical device na nagso-store ng iyong mga private key offline. Itinuturing na more secure, pero less convenient para sa mga frequent na transaction.
Mga Web Wallet: Accessible sa pamamagitan ng mga web browser. Nag-aalok ang mga wallet na ito ng kadalian ng paggamit at mabilis na access sa mga blockchain application.
2
Mag-select ng Web3 Wallet Provider
Mag-research at Pumili ng Angkop na Provider
Maghanap ng mga mapagkakatiwalaang wallet provider tulad ng MetaMask, Halo Wallet, Trust Wallet, at Ledger (para sa mga hardware wallet).
I-consider ang mga factor tulad ng mga feature sa security, mga supported na cryptocurrency, at user interface ng mga ito.
3
I-download at I-install ang Web3 Wallet
Mga Software/Web Wallet
I-visit ang official website ng pinili mong wallet.
I-download ang application para sa iyong device o idagdag ang extension sa web browser mo.
Mga Hardware Wallet
I-purchase ang hardware wallet mula sa isang official o trusted na retailer.
Sundin ang mga instruction ng manufacturer para i-set up ito.
4
Mag-create ng Bagong Wallet
Sundin ang mga Instruction sa Pag-set up
I-open ang wallet application.
Piliin ang option na mag-create ng bagong wallet.
Mag-set ng strong password batay sa mga prompt.
5
I-secure ang Iyong Web3 Wallet
I-back up ang Iyong Recovery Phrase
Isulat ang recovery phrase (karaniwang 12 o 24 words) na ibinigay sa pag-set up. Kinakailangan ito para sa recovery ng wallet kung sakaling nawala o hindi gumagana ang device.
I-store ang phrase na ito nang secure at private. Huwag itong i-share online o i-keep sa isang internet-connected na device kailanman.
Unawain ang Management ng Private Key
Ang iyong private key ang nagbibigay sa iyo ng access sa funds mo. Panatilihin itong secure, at huwag itong i-share kailanman sa sinuman.
6
Mag-deposit ng Funds sa Iyong Web3 Wallet
Tumanggap ng Cryptocurrency
Hanapin ang wallet address mo mula sa loob ng app.
Gamitin ang address na ito para mag-transfer ng funds mula sa isang exchange o ibang wallet papunta sa bago mong Web3 wallet.
7
Makipag-interact sa Blockchain
Simulang Gamitin ang Iyong Wallet
Gamitin ang wallet mo para magpadala ng mga transaction, makipag-interact sa mga dapp, mag-participate sa DeFi, o mag-manage ng mga NFT.
Palaging i-double check ang mga address at detalye ng transaction bago mag-confirm.
Top Security Tips para sa Iyong Web3 Wallet
Kapag gumagamit ng Web3 wallet, ang pag-prioritize sa security ay nakakatulong na protektahan ang digital assets mi. Narito ang ilang tips para significant na ma-reduce ang risk ng pagkawala ng iyong mga asset at ma-ensure ang mas safe na experience gamit ang wallet mo:
Panatilihing Private ang Iyong mga Private Key: Huwag i-share kailanman ang iyong mga private key o seed phrase sa sinuman. Ang mga ito lang ang paraan para ma-access ang funds mo, kaya maaaring i-control ng sinumang nakakaalam ng information na ito ang iyong mga asset.
I-secure ang Iyong Seed Phrase: Isulat ang seed phrase mo at i-store ito sa secure at offline na location. Iwasan ang pag-store nito nang digital para mabawasan ang exposure mo sa mga hacker.
Gumamit ng mga Strong at Unique na Password: Mag-create ng strong at unique na password para sa wallet mo. Iwasan ang pag-reuse ng mga password mula sa iba pang account para mabawasan ang risk ng security breach.
I-enable ang Two-Factor Authentication (2FA): Kung supported ito ng wallet mo, i-enable ang 2FA para sa extra layer ng security.
Mag-ingat sa mga Phishing Attempt: Maging cautious sa anumang email, message, o website na humihingi ng mga detalye ng wallet mo. Palaging i-confirm kung legitimate ba ang anumang naturang request bago makipag-interact dito para maiwasang mabiktima ng mga phishing attack.
Regular na I-update ang Iyong Wallet: Kapag in-update mo ang software ng iyong wallet, natitiyak mo na mayroon kang mga latest na security patch at fix para sa mga known vulnerability.
Gumamit ng Hardware Wallet for Extra Security: I-consider ang paggamit ng hardware wallet para sa pag-store ng malalaking amount ng cryptocurrency. Pinapanatiling offline ng mga hardware wallet ang iyong mga private key, kaya nagiging less susceptible ang mga ito sa mga online hacking attempt.
I-check nang Maigi ang mga Detalye ng Transaction: Palaging i-double check ang mga address at detalye ng transaction bago i-approve ang mga ito. Hindi maa-undo ang mga error sa transaction.
Gumamit ng mga Trusted na Network: I-access ang iyong Web3 wallet sa mga secure na network lang. Hindi secure ang mga public Wi-Fi network, kaya ine-expose ng mga ito ang iyong digital assets sa risk.
Manatiling Informed: Manatiling updated sa mga latest na security trend at threat sa cryptocurrency at blockchain world.
Ang mga Web3 wallet ay karaniwang secure, pero ang safety ng mga ito ay nakadepende nang malaki sa kung paano mo i-manage ang mga ito. Palaging panatilihing confidential at well-protected ang iyong mga private key at seed phrase. Maaari ding magbigay ang mga hardware wallet ng extra layer ng security sa pamamagitan ng pag-store ng mga private key mo offline.
Puwede ba akong gumamit ng Web3 wallet para sa multiple cryptocurrencies?
Oo, karamihan sa mga Web3 wallet ay nagsu-support ng multiple cryptocurrencies. Kadalasan, puwedeng mag-hold ang mga ito ng iba't ibang token, kabilang ang mga ERC-20 (Ethereum-based) token at iba pang blockchain asset. Gayunpaman, maaaring magkakaiba rin ang supported na range ng mga cryptocurrency ng iba-ibang wallet.
Paano ko iko-connect ang aking Web3 wallet sa isang dapp?
Para i-connect ang iyong Web3 wallet sa isang dapp, mag-navigate sa website ng dapp at hanapin ang button na "I-connect ang Wallet". Piliin ang iyong wallet type at sundin ang mga prompt para mag-set up ng secure na link. Palaging i-verify na nakikipag-interact ka sa isang legitimate at mapagkakatiwalaang dapp para ma-minimize ang mga potential na risk.
Mare-recover ko ba ang aking Web3 wallet kung nakalimutan ko ang aking password?
Kung nakalimutan mo ang password ng iyong wallet, gamitin ang iyong seed phrase para ma-recover ito. Ang phrase na ito ay ang parehong ibinigay sa iyo noong una mong sinet up ang iyong wallet. Kung wala ito, kadalasang imposible ang pag-regain ng access sa wallet. Dahil dito, mahalagang panatilihing safe at secure ang seed phrase mo.
Paano ako magba-buy ng mga NFT gamit ang Web3 wallet?
Para mag-buy ng mga NFT, i-check kung may sapat na cryptocurrency (kadalasang Ethereum) ang iyong Web3 wallet. I-connect ang wallet mo sa isang NFT marketplace tulad ng OpenSea, Rarible, o Foundation. Pagkatapos mag-browse sa marketplace at piliin ang iyong NFT, sundin ang mga prompt ng platform para makumpleto ang purchase sa pamamagitan ng wallet mo. Karaniwang kasama sa prosesong ito ang pag-approve sa transaction at pagbayad sa mga kinakailangang gas fee sa pamamagitan ng interface ng wallet.