Isu-support ng KuCoin ang Mainnet Launch at Migration Plan ng Router Protocol (ROUTE)

Dear KuCoin User,
Isu-support ng KuCoin ang mainnet launch ng ROUTE token. Isu-support din ng KuCoin ang mainnet swap mula sa Ethereum patungo sa Router Protocol (ROUTE) Mainnet sa pamamagitan ng automatic na pagkumpleto ng swap para sa mga holder ng ROUTE sa KuCoin.
Narito ang arrangements:
1. Iko-close ng KuCoin ang withdrawal service para sa ROUTE sa ganap na 14:30:00 sa Agosto 16, 2024 (UTC+8).
2. Mananatiling naka-close ang deposit service para sa ROUTE sa KuCoin.
3. Automatic na ihihinto ng KuCoin Trading Bot ang mga nagra-run na bot ng ROUTE/USDT, kabilang ang Spot Grid, Infinity Grid, Martingale, DCA, at Smart Rebalance sa ganap na 14:15:00 sa Agosto 16, 2024 (UTC+8).
4. Iko-close ng KuCoin ang trading service para sa trading pair na ROUTE/USDT sa ganap na 16:00:00 sa Agosto 16, 2024 (UTC+8). Inire-recommend namin na i-cancel mo ang iyong mga pending order ng ROUTE sa lalong madaling panahon.
5. Para makumpleto ang swap, kukuha ang KuCoin ng snapshots ng ROUTE assets ng users sa ganap na 19:00 sa Agosto 16, 2024 (UTC+8). Pagkatapos ng snapshot, iko-convert namin ang lumang ROUTE sa bagong ROUTE sa ratio na 1:33.33 (1 lumang ROUTE = 33.33 bagong ROUTE).
Paki-note:
1. Minimum holding para sa eligibility: 0.5 ROUTE.
2. Kasama sa snapshots ang ROUTE balances sa Spot accounts (Funding Account + Trading Account).
3. Hindi ika-count sa ROUTE balance mo ang ROUTE tokens na nasa pending na deposit o withdrawal sa oras ng pagkuha ng snapshots.
4. Matapos makumpleto ang token swap, hindi na isu-support sa KuCoin ang lumang ROUTE token at ROUTE (ERC20).
Para sa dagdag pang impormasyon sa token migration, mag-refer sa:
Lubos na nagpapasalamat,
Ang KuCoin Team