Ano ang Cross Margin Mode
Ang isolated margin at cross margin ay dalawang margin mode na available para sa futures trading. Puwedeng i-select ng mga user ang preferred nilang margin mode at leverage multiplier. Ang leverage multiplier ay nakakaapekto sa position margin sa isolated margin mode, at sa initial margin naman sa cross margin mode.
Isolated Margin Mode
Sa isolated margin mode, ang position margin ay isang fixed value. Nagsisimula ito sa initial margin, at puwedeng baguhin ang margin amount sa pamamagitan ng pag-a-adjust sa leverage at pag-a-add ng higit pang margin. Kapag ang margin balance ay mas mababa sa maintenance margin, nati-trigger ang forced liquidation. Sa point na ito, ang position margin amount ay ang maximum loss na ibe-bear ng user. Position Margin sa Isolated Margin Mode = Position Size Kapag Nag-open * Average Entry Price / Leverage Multiplier
Ipagpalagay mong nag-buy ka ng 0.1 BTC/USDT contracts sa price na 50,000 USDT, at ang initial leverage multiplier ay 25x, sa gayon, ang position margin sa isolated margin mode ay: 50,000 * 0.1 / 25 = 200 USDT. Kung na-liquidate ang iyong position dahil sa mga price fluctuation, ang mawawala lang sa iyo ay ang 200 USDT margin para sa position na ito, at hindi maaapektuhan ang ibang funds sa futures account.
Cross Margin Mode
Sa cross margin mode, ang buong balance ng iyong futures account ay ginagamit bilang margin para sa mga position mo. Puwedeng mag-share sa total margin ang mga position na may parehong settlement currency. Halimbawa, ang lahat ng USDT-margined cross margin contract ay nagse-share sa USDT margin. Gayunpaman, ang mga coin-margined contract ay hindi nagse-share ng mga margin sa pagitan ng magkakaibang cryptocurrency. Halimbawa, hindi puwedeng gamitin ang ETH bilang margin para sa mga BTC coin-margined contract. Nangangahulugan ito na puwedeng i-maximize ng traders ang paggamit ng kanilang account funds nang hindi madalas na nagta-transfer ng funds o nagko-close ng positions.
Halimbawa:
Sa cross margin mode, ipagpalagay mong nag-buy ka ng 0.1 BTC/USDT contracts sa price na 50,000 USDT, ang leverage multiplier ay 25x, at ang futures account balance ay 1,000 USDT, sa gayon, ang initial margin para sa position na ito ay: 50,000 * 0.1 / 25 = 200 USDT.
Kapag nag-profit ng 200 USDT ang position, ang total margin ng account mo ay mag-i-increase at magiging 1,200 USDT. Puwedeng gamitin ang extra na 200 USDT para mag-open ng mga bagong position nang hindi kinakailangang mag-close o mag-withdraw ng funds tulad ng sa isolated margin mode.
Sa kabaligtaran, kung nag-lose ng 200 USDT ang position, ang total margin sa account mo ay magde-decrease at magiging 800 USDT. Magde-decrease din nang naaayon ang available funds para sa pag-open ng mga bagong position.
Summary
Dalawang magkaibang mode ang isolated margin at cross margin. Sa isolated margin mode, ang position margin ay isang fixed value, kaya mas madali itong maintidihan. Sa cross margin mode, kasama sa position margin ang lahat ng funds sa iyong futures account at anumang unrealized na profit at loss. Nama-maximize nito ang capital efficiency.
Simulan na ang iyong futures trading!
Mag-trade Ngayon
Gabay sa KuCoin Futures Trading:
Salamat sa iyong suporta!
KuCoin Futures Team
Note: Hindi puwedeng mag-open ng futures trading ang mga user mula sa mga naka-restrict na bansa at rehiyon.