Top 10 FAQs Tungkol sa mga Trading Bot ng mga Newcomer

Q1. Libre ba ang mga KuCoin trading bot? Ano ang mga trading fee?

Ang mga KuCoin trading bot ay available sa lahat ng user nang walang karagdagang cost.

Spot Bots
Ang mga trading fee para sa bot ay kapareho ng mga standard na spot market rate ng KuCoin, at may 20% discount sa Lv. 0 Maker/Taker fees para sa selected coins kapag ginamit sa mga spot trading bot strategy.
Applicable sa: Spot Grid, Infinity Grid, Smart Rebalance, DCA, Martingale, at lahat ng future Spot strategy.

Halimbawa: Gamit ang isang KCS/USDT Spot Grid Bot, ang KCS ay classified sa ilalim ng Class B na may Lv. 0 Maker/Taker fee na 0.2%. Dahil dito, ang discounted fee rate para sa mga user ng Bot ay 0.16%.
表格



描述已自动生成

Mga Futures Bot
Ang mga Futures strategy ay nag-i-incur ng fixed na Maker/Taker fee na 0.06%.
Applicable sa: Futures Grid, DualFutures AI, at lahat ng Futures strategy sa future.

 

Q2. Isa akong HODLer at long-term value ang pinu-pursue ko. Bilang long-term holder, aling trading bot ang dapat kong gamitin?

May tendency ang mga HODLer na i-prefer ang long-term na asset growth. Sa paglipas ng panahon, ang nilo-look for nila ay rate of return na maaaring anywhere mula 10x pati hanggang 100x ng initial price.

Dahil dito, kahit ang mga market downturn ay maaaring maituring na magandang time para mag-hoard ng mga asset, since ang price ng asset ay relatively low. Sa mga time na katulad nito, ang Smart Rebalance at DCA bots ay mas mahuhusay na strategy para sa pag-accumulate ng mga asset.

Gumagamit ang DCA bot ng regular fixed investment strategy, na karaniwang ginagamit sa mga traditional na financial market para sa mga asset tulad ng gold at stocks. Sa volatile at downward market, ang paggamit ng naaangkop na DCA strategy ay maaaring makatulong sa pag-average out ng mga cost sa pag-buy at pag-optimize ng mga asset allocation para sa potential na high returns.

Automatic na gumagawa ang Smart Rebalance ng mga intelligent at dynamic na adjustment sa iyong existing na asset portfolio, ayon sa ups and downs ng market. May layunin na i-maximize ang income, gumagana ito para i-optimize ang ratio ng mga position mo sa bawat asset.

Halimbawa, sabihin nating pareho kang may BTC at ETH sa iyong currency portfolio. Kapag nag-rise ang price ng BTC, automatic na magse-sell ang bot ng certain amount ng ETH para mag-buy ng higit pang BTC, at vice versa.

Puwedeng i-take advantage ng bot ang mga fluctuation ng exchange rate sa pagitan ng iba’t ibang currency para mag-earn ng coins. Sa ganitong paraan, patuloy na mag-i-increase ang iyong funds, at mag-i-increase nang naaayon ang returns mo sa kapag nag-pick up na ulit ang market.

 

Q3. Kapag nagte-trade sa bear market, aling trading bot ang dapat kong piliin?

Maaaring itanong ng ilan, "posible bang mag-profit sa bear market?" Syempre naman! Ang isang ganoong paraan ay sa pamamagitan ng pag-buy ng bottoms at pag-earn ng short-term profit sa gitna ng mga fluctuation ng market.

Gayunpaman, mahirap para sa karamihan ang pagtiyempo sa bottom, at posible pa rin na ang market ay mag-reverse pa nang kontra sa iyo sa mga volatile na condition. Sa madaling salita, ang mga bear market ay maaaring maging isang incredible test ng skills at market psychology, at maaaring hindi lahat ng newcomer ay equipped na para i-handle ang mga ito. Higit pa rito, ang volatility ng mga bear market ay puwedeng mag-range nang mas malawak pa, na magre-require sa mga trader na maglaan ng mas maraming time at energy para makahanap ng success.

Kapag isinaisip ang lahat ng ito, ang mga trading bot strategy na inaalok ng KuCoin ay makakatulong sa iyo na makipag-compete nang mas mahusay sa bear market.

1. Mga Grid Bot: Spot Grid at Futures Grid
Sa mga bear market, ang mga price ay maaaring kadalasang mag-chop up and down nang paulit-ulit, na nag-iiwan ng kaunti, kung mayroon man, ng mga trading opportunity. Nangangahulugan ito na maituturing na volatile market ang humigit-kumulang 70% nito. Ang isang paraan para ma-capitalize ito ay ang paggamit ng grid trading para automatic na mag-buy low at mag-sell high sa loob ng certain na price range. Makaka-earn ka rito ng maliliit na grid profit, na maaaring mag-add up sa paglipas ng panahon.

2. DualFutures AI
Sa mga volatile market, maaaring madalas na mangyari ang mga rebound at pullback. Mabilis na makakapag-capture ng mga rebound ang DualFutures AI, gamit ang mga pullback trading signal na nakabatay sa mga technical indicator para mag-open at mag-close ng mga position. Angkop ito para sa pag-profit mula sa mga swing trade pagkatapos ng mga small at mid-cycle na trend reversal. Dahil dito, kahit na up o downtrend man ang market, nakakapag-seize pa rin ito ng mga opportunity at nakakapag-obtain ng mga two-way profit, maski going long o short man ito.

3. Mga Martingale Bot
Sa long at short volatile markets, parehong patuloy na nagba-buy ang Martingale bot habang nagda-drop sa fixed percentage ang price, at nagse-sell kapag nag-reverse na ang market para maabot ang isang predetermined na selling point. Sa ganitong paraan, relatively manageable ang mga risk, at generally stable ang mga return. Angkop ito para sa karamihan ng mga market maliban sa mga one-sided market, at pinakamahusay na gumagana para sa medium at long-term volatility.

Para alamin pa ang tungkol sa iba’t ibang type ng trading bot, tingnan ang Mga Crash Course ng KuCoin sa KuCoin Learn para makapagsimula sa bawat produkto.

 

Q4. Aling mga coin ang pinakaangkop para sa mga trading bot?

Iba’t ibang type ng mga bot ang angkop para sa iba-ibang coin.

Preferred ng mga grid strategy, gaya ng Spot Grid, Futures Grid, at Infinity Grid ang mga mainstream currency tulad ng BTC at ETH, o mga trending token na may mas malaking trading volume at high volatility. Magkakaroon lang ng sufficient na trading depth kapag may trading volume na sapat ang laki, na nagbibigay-daan para ma-execute nang mabilis ang mga order ng grid bot. Kapag volatile ang mga market, ang high volatility ay tumutulong sa mga grid bot na mag-trade nang madalas, at naghahanap ng mas maraming arbitrage opportunity, at sa gayon ay nag-e-earn ng mas marami ring profit.

Para sa DualFutures AI, preferred din ng strategy ang mga trading pair na may high volatility at malaking trading volume. Nagbibigay ito ng mas maraming pagkakataon para makahanap ng mga trading opportunity kapag may nangyaring rebound o pullback. Dahil dito, pareho itong mahusay para sa mga mainstream at meme coin.

Kasama sa mga trading bot na angkop para sa long-term investment ang Infinity Grid, DCA, at Smart Rebalance. Ang mga ito ay pinakamahusay na gumagana para sa mga mainstream coin o value coin na may some sort ng market recognition. Pagdating sa pag-open ng position sa bear market o bottom at pag-hold nito hanggang sa susunod na phase ng bull market, ang increase sa value para sa mga naturang token ay bound na maging pinakamataas.

 

Q5. Mayroon bang anumang risk ng loss sa mga trading bot?

Una, kailangan muna nating maunawaan na tool lang ang mga trading bot. Idinisenyo ang mga ito para automatic na mag-execute ng mga specific na trading strategy para sa chance na mag-yield ng profit sa ilalim ng mga certain na market condition. Para sa paggamit nito, i-select ang tamang bot para sa bawat market, at kung kailan ang pag-enter at pag-exit, magkakaiba ang proseso ng paggawa ng desisyon ng bawat trader.

Sa madaling salita, ikaw pa rin mismo at ikaw lang talaga ang dapat gumawa ng lahat ng trading decision, at isang execution tool lang ang trading bot. Kaya naman, tulad ng anumang iba pang investment, wala itong guarantee ng profit at may kasama pa rin itong risk ng loss.

Kapag nahaharap sa posibleng risk ng loss:
1. Dapat magsagawa ang isang tao ng reasonable na pag-manage ng pera, at mag-invest lang ng funds na kaya niyang tanggapin na mawala. Dapat ding regular na i-review at i-adjust ng mga investor na ito ang kanilang mga trading strategy.
2. Dapat active na i-track ng investors ang market dynamics at ang assets na tine-trade nila para makagawa ng mas timely na decisions.
3. Ang anumang investment decision ay dapat na nakabatay sa sapat na research at pag-unawa. Bago mag-invest, dapat magsagawa ng due diligence. Mag-create ng mga trading plan, at humingi ng payo mula sa mga professional kung kinakailangan.

 

Q6. Gaano katagal dapat mag-run ang trading bot?

Depende ito sa trading bot strategy na nira-run mo.

Mga long-term strategy: Smart Rebalance, DCA Bot, at Infinity Grid
Ang mga taong gumagamit ng mga strategy na ito ay may tendency na maging mga position trader. Karaniwan nilang ginagamit ang mga bot na ito para mag-open ng mga position sa mga bottom o bear market, at hinahayaan nilang mag-run ang mga bot nang sapat para dumaan sa isang bear-bull cycle. Dahil dito, puwedeng maging normal lang na i-run ang mga bot na ito sa loob ng ilang buwan o kahit higit sa isang taon pa.

Mga short at medium-term strategy: Spot Grid, Futures Grid, DualFutures AI, at Martingale Bots
Ang mga ganitong diskarte ay angkop para sa pag-run sa medium o short-term na volatile market. Habang nagpapatuloy ang market volatility, maaaring magpatuloy na mag-run ang bot. Gayunpaman, nire-require ka pa rin nitong i-monitor ang mga market trend at i-adjust ang runtime ng bot paminsan-minsan. Ang range ng normal na runtime ay mula ilang week o buwan.

Angkop din ang Futures Grid kapag nagfa-fluctuate nang malaki ang mga market sa short-term. Kung pine-predict mo na ang market ay magra-rise o magfo-fall sa near future, puwede kang mag-create ng Futures Grid nang advance, at piliing mag-go long o short at i-close ang bot nang nasa oras sa sandaling maabot ang iyong profit target.

 

Q7. Nag-o-operate ang aking Spot Grid o Futures Grid nang may loss, ano ang sanhi nito?

Kasama sa mga karaniwang dahilan ang pag-enter sa matataas na price o maling pag-judge sa mga market direction. Narito ang ilang scenario na dapat iwasan:
1. Mag-e-enter ang Spot Grid Bot sa mataas na price, na susundan ng one-sided fall.
2. In-open ang Futures Grid sa maling trade direction, na nagreresulta sa mga unrealized loss.
3. Sa mga volatile market at dahil sa kakulangan ng pasensya, itinigil ang bot nang maaga bago maabot ang take-profit position.
4. Hindi na-set nang maayos ang mga grid parameter, o masyadong maliit ang price interval, na nagiging sanhi ng pagkaubos ng mga profit mula sa bot dahil sa mga trading fee.

Posible bang malutas ang mga ganitong issue? Syempre naman! Dahil alam na natin na ang mga trading result ay naaapektuhan ng win rate, profit and loss ratio, at number ng mga trade, makakatulong sa pag-increase ng profitability kapag naggi-grid trading kung gagawan natin ng paraan ang 3 areas na ito. Kabilang sa ilang paraan:
1. Pagiging mas mahusay sa pag-decide kung kailan maglo-long o maso-short habang ginagamit ang Futures Grid para ma-increase ang iyong win rate.
2. Pag-improve sa position management at i-allocate ang iyong mga risk nang reasonable.
3. Mag-set ng mga naaangkop na parameter, nang nagfo-focus sa number ng mga grid at sa grid interval, na nagde-determine sa frequency ng grid trading.

 

Q8. Paano maging mas profitable gamit ang Futures Grid?

Una, i-predict nang accurate ang mga market trend sa mga extended period gamit ang mga maaasahang technical indicator. Nakakatulong ito sa iyo na ma-capitalize ang mga significant na market movement.

Pangalawa, gamitin ito para sa mga automatic arbitrage trade. Binibigyang-daan ka ng strategy na ito na maka-generate ng mga profit sa mga volatile market at ma-mitigate ang mga loss dahil sa mga price pullback sa mga trending market.

Para i-summarize, sa pamamagitan ng pag-track sa mga trend para ma-forecast ang mga market direction at paggamit ng mga grid profit para ma-counteract ang mga loss mula sa mga pullback, mao-optimize mo ang iyong mga trading outcome.

 

Q9. Puwede bang automatic na i-manage ng mga trading bot ang mga stop loss at take profit ko?

Oo, supported ng mga trading bot ng KuCoin ang automated na stop loss at take profit functions sa loob ng advanced settings ng mga ito.

Ang pag-set ng stop loss ay nangangahulugang ise-sell ng bot ang lahat ng isang position kapag na-hit ng market ang iyong predefined na threshold ng loss. Katulad nito, ang pag-set ng take profit ay nagpa-prompt sa bot na mag-sell kapag naabot ng market ang iyong target na profit level.

 

Q10. Paano mag-set ng mga parameter kapag gumagamit ng trading bot sa unang pagkakataon?

Para sa mga beginner, may dalawang available na user-friendly option. Ang una ay ang simpleng AI setting na gumagamit ng historical data para automatic na mag-suggest ng mga optimal na trading parameter.

Ang pangalawang paraan ay ang AI Plus. Sa ngayon, exclusive sa Spot Grid ang AI Plus mode. Hindi nagre-require ang mode na ito ng pag-set ng anumang manual parameter. Sa halip, automatic na kino-configure ng AI ang mga ito at nag-e-execute ito ng mga trade batay sa mga strategic na algorithm.

Para sa mga experienced trader naman, maaaring preferred nila ang Custom Mode na nagbibigay-daan para sa mga manual adjustment batay sa personal na market analysis at mga strategic na preference.