Paano I-self Recover ang mga Deposit sa mga Hindi Supported na Network o Token

Kung ang iyong deposit ay hindi maki-credit dahil ginawa ito sa hindi supported na network o involved ang isang token na hindi pa naka-list, puwede mong gamitin ang aming proseso sa self-recovery para mag-request ng refund.


Pakibasa nang maigi ang mga instruction bago i-submit ang iyong request, dahil ang hindi pagsunod sa mga ito ay maaaring maglimita sa aming kakayahang i-assist ka.

1. Ano ang mga type ng mga transaction na puwedeng ma-recover sa pamamagitan ng self-recovery?

2. Paano mag-submit ng self-recovery request?

3. May fee ba para sa pag-self recover ng mga cryptocurrency?

4. Mga Frequently Asked Question

1. Ano ang mga type ng mga transaction na puwedeng ma-recover sa pamamagitan ng self-recovery?

Kung nag-deposit ka sa mali o hindi KuCoin na address o sa address ng ibang user, hindi makakatulong ang KuCoin sa pag-recover ng mga asset.
• Kung ang isang token deposit ay pansamantalang naka-close para sa maintenance, hindi ito puwedeng i-recover sa pamamagitan ng self-recovery.
• Kung ang iyong deposit ay nag-i-involve ng maraming "From (Mula sa)" address sa blockchain, hindi ito puwedeng i-recover sa pamamagitan ng self-recovery.
• Ang mga network lang na naka-list sa dropdown menu ng “Deposit Network” sa page ng application ang puwedeng gamitin para sa self-recovery. Kung hindi naka-list doon ang isang network, hindi ito puwedeng i-recover sa pamamagitan ng self-recovery.
• Kung ang "From (Mula sa)" address sa blockchain ay hindi puwedeng tumanggap ng mga ibinalik na asset at kailangang ibalik sa isang in-specify na address, hindi ito puwedeng i-recover sa pamamagitan ng self-recovery..
• Ang mga transaction lang na naka-mark bilang “Na-confirm” o “Successful” sa blockchain ang eligible para sa self-recovery. Kung naka-mark ang transaction bilang “Hindi Na-confirm” o “Nag-fail,” hindi ka namin maa-assist. Maaari kang mag-refer sa mga halimbawa sa ibaba para i-check ang status sa blockchain.


Puwede mo ring i-check ang transaction status sa relevant na withdrawal platform para makita kung lumalabas ito bilang “Nakumpleto.” Kung “Hindi Na-confirm” o “Nag-fail” naman ang status nito, pakikontak ang relevant na platform para sa dagdag pang assistance.
Para sa higit pang impormasyon, mag-click dito para makita ang mga detalye.

2. Paano mag-submit ng self-recovery request?

➡️ Una, siguraduhing naka-log in ka sa iyong KuCoin account bago mag-apply para sa self-recovery. Pagkatapos, pumunta sa page ng Help Center at i-select ang “Hindi Na-credit ang Crypto Deposit”.

➡️ Kailangang punan sa form ang mga sumusunod na field, kaya’t pakibasang maigi ang mga ito.

  • Deposit Network: I-select ang network na ginamit para sa iyong deposit, sa pamamagitan ng pag-refer sa information ng blockchain.
  • Amount: I-enter ang deposit amount mo. Paki-note na hanggang 18 decimal places lang ang supported namin.
  • TxID/Tx Hash: Ang transaction hash, na kilala rin bilang TxID, ay isang unique string na pino-provide para sa bawat transaction na na-verify at nadagdag na sa blockchain. Para itong tracking number para sa isang shipment at puwedeng gamitin para i-track ang progress ng pag-transfer. 
  • Return Address: Sa original na sending address lang sa blockchain puwedeng ibalik ang funds. Sa kasalukuyan, hindi supported ng self-recovery ang mga pag-deposit na ginawa mula sa maraming sending address.
  • Contact Email: I-enter ang iyong naka-register na email address o valid na contact email.

➡️ I-click ang “Susunod” para i-confirm ang mga detalye ng application mo.

Pagkatapos i-submit ang iyong application, puwede mong i-check ang status ng application mo sa ilalim ng “I-view ang History ng Application”.

Kapag na-approve na ang application, i-click ang button para bayaran ang iyong fee (i-check kung sapat ang Funding Account balance mo para sa fee amount na 80 USDT). Pagkatapos ng payment, makukumpleto ang refund sa loob ng 5 business days, at ipo-provide ang TxID para sa mga ibinalik na asset.


3. May fee ba para sa pag-self recover ng mga cryptocurrency?

Tanging mga transaction na nakakatugon sa conditions sa pag-recover ang mag-i-incur ng service fee. Puwede mong i-view ang fee amount sa ilalim ng application mo sa ilalim ng History ng Application sa Self-Recovery. Para sa mga fee ng application kung saan hindi involved ang self-recovery, pakitingnan ang Recovery Fee para sa mga Maling Pag-deposit.

Ang ilan sa mga scenario na ito ay makikita sa table sa ibaba, tulad ng:

Type ng Maling Pag-deposit
Estimated na Oras Mga Fee Refund o Credit
Missing o maling memo sa pag-deposit
2–3 Araw 40 USDT Refund
Pag-deposit ng mga hindi naka-list na token sa mga supported na network
2–3 Araw 80 USDT Refund
Pag-deposit ng mga outdated/na-delist na token
2–3 Araw 80 USDT Refund

 

Paki-note na dahil sa mga limitation sa resource, technical complexity, at iba pang factor, ang successful na pag-recover ng funds ay hindi palaging guaranteed, at hindi lahat ng deposit ay mare-retrieve. Ang table na ito ay hindi nagre-represent ng promise mula sa KuCoin na i-recover ang iyong funds sa ilalim ng anumang pangyayari. Kung hindi namin maproseso ang iyong request dahil sa mga espesyal na pangyayari pagkatapos ng pagbabayad, tutulong kami sa pag-refund ng fee. Ikaw ang ganap na responsable para sa iyong funds, kaya pakitiyak na lubos mong nauunawaan ang aming mga serbisyo bago gamitin ang mga ito.

Disclaimer:
Ang table na ito ay sumasalamin sa mga pangkalahatang sitwasyon, pero ang ilang partikular na proseso ng espesyal na pag-recover ay maaaring mas matagal kaysa sa mga estimated na oras na binanggit sa itaas. Dahil sa maraming factor, tulad ng mga hindi supported na type ng network at complexity ng pag-recover, maaaring ma-extend ang recovery time. Maaaring magbago ang mga fee depende sa mga market condition, operational cost, at technological advancement, at hindi fixed ang mga ito. Bagama’t ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya para matulungan ang mga user na ma-recover ang kanilang mga asset, hindi namin maga-guarantee na magiging successful ang bawat pag-recover.

4. Mga Frequently Asked Question

Q1. Bakit hindi ako makapag-select ng ibang deposit network para sa self-recovery?

Wino-work on namin ang pagpo-provide ng support para mas marami pang cryptocurrency ang maging eligible para sa self-recovery. Sa kasalukuyan, ilang partikular na token lang ang supported para sa option na ito. Para sa iba pang sitwasyon, mag-submit ng ticket request sa pamamagitan ng customer support team ng KuCoin o kumonsulta sa amin nang live. Iche-check namin kung puwede bang i-recover ang iyong deposit, at ino-notify ka namin via email kung may anumang update.

Q2. Applicable ba ang self-recovery na ito sa mga fiat deposit?

Hindi. Paki-note na ang self-recovery option ay applicable lang sa mga pag-deposit na ginawa gamit ang mga hindi supported na network o token.

Q3. Paano ko babayaran ang fee?

Kapag na-approve na ang application, i-click ang button para bayaran ang iyong fee (i-check kung sapat ang Funding Account balance mo para sa fee amount na 80 USDT).

Q4. Gaano katagal bago ma-review ang application ko?

Ire-review ng system ang iyong application, at kapag may update na, ino-notify ka via in-site notifications o email, kaya pakihintay muna ang mga ito. Salamat sa iyong pasensya.

Q5. Gaano katagal bago maibalik ang mga asset ko?

Mula sa kung kailan mo binayaran ang fee, makukumpleto dapat ang refund sa original address sa loob ng 5 business days.

Q6. Paano ko makukuha ang TxID para sa mga ibinalik na asset?

Makakatiyak ka na kapag nakumpleto na ang refund, makakatanggap ka ng notification na naglalaman ng TxID via in-site messages o email.