Ano ang KuCoin Web3 Wallet?
Huling in-update noong: 09/10/2025
Ang KuCoin Web3 Wallet ay isang decentralized at non-custodial wallet na nagsu-support ng maraming blockchain. Nagtatampok ito ng pinagsama-samang cross-chain swap aggregator na DEX para sa tuluy-tuloy na pangangalakal sa mga network, kasama ang isang all-in-one DeFi investment tool (Web3 Earn) para sa pangangalakal ng mga cryptocurrencies. May madaling access sa mahigit 1,000 dapp protocols, ang KuCoin Web3 Wallet ay nagsisilbi bilang iyong pinaka-comprehensive na Web3 gateway.
Mga Advantage ng KuCoin Wallet
- Full ownership ng iyong mga asset
- Mas mabibilis na withdrawal kumpara sa mga exchange, hindi kailangan ng approval
- Bumuo ng maraming chain wallet na may iisang seed phrase, pamamahala ng mga asset sa Ethereum, Solana, BSC, Polygon, at higit pa. Supported ang pag-import ng maraming seed phrase at derived address.
-
Available sa maraming platform.
Mga Importanteng Note para sa mga Web3 Wallet
Ang ibig sabihin ng decentralization ay mayroon kang ganap na kontrol sa iyong mga asset at ikaw ang responsable para sa pagprotekta ng mga private key at password ng wallet mo. Dahil dito, dapat mong gawin ang mga sumusunod:
- I-back up kaagad ang iyong seed phrase o private key. Kapag nawala ang mga ito, permanenteng mawawala ang mga asset mo.
- Mag-set ng strong na wallet password at i-store nang safe. Hindi ini-store ng mga decentralized wallet ang iyong password kaya hindi ito makakatulong sa pag-recover nito.
- Mag-ingat sa fraud at mga phishing attack.
- Maging cautious kapag nagki-click sa mga link at nagda-download ng bagong software.