union-icon

Tips sa Security para sa Browser Extensions

Huling in-update noong: 2025/06/05

Nag-o-offer ang mga browser extension ng convenience pero maaari ding magdulot ng mga risk sa mga account natin. Maaaring nakawin ng mga malicious na browser extension ang iyong personal information at login credentials, na posibleng magdulot ng financial losses. Dahil dito, mahalagang siguraduhing safe at mapagkakatiwalaan ang mga extension na ginagamit mo.

Mga Content (I-click para i-navigate)

1. Pag-iwas sa mga Risk

2. Pag-alis ng mga Malicious na Extension

3. Mga Gentle Reminder

 

1. Pag-iwas sa mga Risk

i. I-verify ang mga Source ng Iyong Extension:

Siguraduhing dina-download mo ang mga ito mula sa mga official store lang ng browser extension.

Iwasan ang pag-download mula sa mga hindi na-verify na third-party source. Kadalasang nire-review at chine-check ng mga official store ang security ng mga extension ng mga ito, kaya nababawasan ang risk ng mga malicious na plugin.

ii. Regular na I-review at I-clean Up ang mga Extension:

Magandang kagawian na pana-panahong i-check ang iyong mga naka-install na extension, at alisin ang anumang hindi mo na ginagamit o nare-recognize. Ang mga extension ay maaaring maging outdated o hindi na supported sa paglipas ng panahon, na humahantong sa mga vulnerability sa security.

iii. Maging Maingat sa at Limitahan ang mga Permission:

Kapag nag-i-install ng mga extension, basahing maigi ang mga permission at scope ng authorization na nire-request. Iwasan ang pagbibigay ng labis na permission, lalo na sa hindi familiar o hindi trusted na mga extension. Nami-minimize nito ang access ng extension sa iyong personal information at data ng browser.

iv. Gumamit ng Private Browsing o Incognito Mode:

Nakakatulong ang private browsing na pigilan ang mga malicious na extension sa pag-track ng mga online activity mo at pag-collect ng personal information. Kung makakita ka ng mga malicious na extension at nakompromiso ang isang browser, i-consider ang paglipat sa ibang browser.

 

 

2. Pag-alis ng mga Malicious na Extension

Google Chrome

Step 1. I-open ang Chrome browser.

Step 2. Pumunta sa Extensions page: I-type ang chrome://extensions/ sa address bar at i-press ang Enter.

extension 1.png

Step 3. Tingnan ang iyong list at hanapin ang mga malicious na extension (puwede kang mag-refer sa image sa ibaba).

extension 2.png

Step 4. I-delete ang extension. I-click ang Remove sa kanang bahagi ng extension, at i-confirm ang pag-alis sa pop-up box.

extension 3.png

5. I-restart ang browser. I-close at i-reopen ang Chrome browser para matiyak na ganap na naalis ang extension.

 

Microsoft Edge


Step 1. I-open ang Microsoft Edge browser.

Step 2. Pumunta sa Extensions page: I-type ang edge://extensions/?id=[Extension ID] sa address bar at i-press ang Enter.

extension 4.png

Step 3. I-delete ang extension. I-click ang Remove sa kanang bahagi ng extension, at i-confirm ang pag-alis sa pop-up box.

extension 5.png

Step 4. I-restart ang browser. I-close at i-reopen ang Edge browser para matiyak na ganap na naalis ang extension.

 

Brave

Step 1. I-open ang Brave browser.

Step 2. Pumunta sa Extensions page: I-type ang brave://extensions/?id=[ExtensionID] sa address bar at i-press ang Enter.

extension 6.png

Step 3. I-delete ang extension: I-click ang Remove button ng extension, at pagkatapos ay i-click ulit ang Remove sa confirmation dialog box na lalabas.

extension 7.png
Step 4. I-restart ang browser. I-close at i-reopen ang Brave browser para matiyak na ganap na naalis ang extension.

 

 

3. Mga Gentle Reminder

i. Ang Serbisyo sa Security ng Extension (na mula rito ay tinutukoy bilang "Serbisyo") ay naglalayong magbigay ng information at advice sa security kung paano ma-improve ang security ng browser.

ii. Nag-aalok ang serbisyo ng pangkalahatang advice at information, hindi ng mga specific na guarantee sa security. Kailangang i-assess at pagpasyahan ng mga user mismo ang mga hakbang na gagawin para maprotektahan ang security ng kanilang mga system at data.

iii. Hindi maga-guarantee ng mga serbisyo sa detection ng security ng extension ang ganap na accuracy, at hindi kami mananagot para sa anumang direkta o hindi direktang loss na nagreresulta mula sa paggamit ng serbisyong ito.

iv. Kapag nire-review at kini-clean up ang mga browser extension, dapat na maging maingat ang mga user sa pagsasagawa ng mga ito. Ang pag-delete ng mga extension ay maaaring magdulot ng pagkawala ng data o limitadong functionality, at dapat akuin ng mga user mismo ang kanilang mga consequence.