Mga Time-Weighted Average Price (TWAP) Order
Nagbibigay-daan ang spot trading sa KuCoin sa ilang advanced na order type. Ituturo sa iyo ng gabay na ito kung paano mag-set up ng Time-Weighted Average Price (TWAP) order.
Mga Content (I-click para i-navigate)
1. Ano ang TWAP Order?
2. Pag-set Up ng mga TWAP Order
1. Ano ang TWAP Order?
Tumutulong sa iyo ang Time-Weighted Average Price (TWAP) order na hatiin sa maliliit ang malalaking order, at i-execute sa mga batch ang mga ito. Halimbawa, kapag nag-place ka ng buy order at ang market price ay mas mababa sa tinukoy mong price, magki-create ang system ng mas maliliit na sub-order sa mga price na bahagyang mas mataas kaysa sa current na best selling price. Ang mga sub-order na ito ay mas maliliit na mga Immediate-Or-Cancel (IOC) buy order, at naka-place ang bawat isa sa tinukoy na interval o percentage.
2. Pag-set Up ng mga TWAP Order
i. Mga Parameter
I-assume mo na gusto mong mabilis na mag-buy ng 10 BTC sa cost na hindi mas mataas sa 71,500 USDT kada BTC nang hindi gaanong naaapektuhan ang market price. Para gawin ito, gagamit ka ng TWAP order para sa mabilis na execution.
Magiging ganito ang pag-set up mo:
Direction: Mag-buy
Total Order Amount: 10 BTC (Total na gusto mong i-trade.)
Amount kada Order: 0.05 BTC (Amount ng bawat sub-order pagkatapos hatiin ang mga order.)
Distance ng Order: 10 USDT (Para sa isang buy order, ang bawat sub-order ay naka-place sa bahagyang mas matataas na interval ng 10 USDT sa itaas ng best asking price. Kung mas malaki ang price gap o percentage, mas mataas ang posibilidad ng mas mabilis na execution, pero ini-increase din nito ang cost ng trade.)
Total Order Duration: 24 na oras (Ito ang total time kung kailan ie-execute ang order). Ang max duration ay 99 na oras at 59 na minuto. Kung mas mahaba ang duration, mas mataas ang posibilidad na mae-execute nang full ang iyong order.
Protection Price: 71,500 USDT kada BTC (Trigger condition para sa isang limit order. Halimbawa, mafi-fill lang ang buy order kung ang best asking price plus ang distance ng order ay parehong mas mababa sa protection price na ito. Kung ang protection price ay naka-set nang masyadong malayo sa current market price, maaaring hindi ma-fill nang mabilis ang order.)
ii. Order Execution
Pagkatapos i-place ang order, ang iyong mga sub-order ay automatic na iba-batch at ie-execute. I-assume na ang current order book ay katulad ng ipinapakita sa ibaba:
Ang time interval para sa bawat sub-order ay kina-calculate sa pamamagitan ng pag-divide ng total order duration sa mga segundo sa (total order amount / amount kada order) at pagkatapos ay pag-multiply sa isang random ratio. Magpapatuloy ito hanggang sa mag-match ang total filled sa total order amount, o hanggang sa matapos ang duration ng order.
Batay sa settings sa itaas, ang pinakamataas na buy price ay ang current na best selling price na 71,479.7 USDT/BTC plus 10 USDT, at ang total ay 71,489.7 USDT/BTC. Ang total sell orders na mas mababa sa 71,489.7 USDT/BTC at pagkatapos ay may amount na 0.529589261 BTC (0.01166415 + 0.234482111 + 0.21350000 + 0.06994300), na higit pa sa iyong amount kada order. Dahil mas malaki ang total na ito kaysa sa tinukoy mong single order amount na 0.05 BTC, magpe-place lang ang system ng mga limit order batay sa sinet mong amount (0.05 BTC) at price (71,489.97 USDT/BTC).
Kung hindi na-fill nang full ang sub-order, immediate itong ika-cancel, ibig sabihin, ang lahat ng sub-order ay mga IOC (Immediate or Cancel) order. Kapag ang latest na market price ay nag-exceed sa protection price (71,500 USDT/BTC), magpo-pause ang order. Kapag ang latest na fill price ay nag-fall na sa ibaba ng 71,500 USDT/BTC, magre-resume naman ito. Kapag ang total filled amount ay katumbas ng total order amount, ang entire order ay iko-consider na kumpleto na at hihintong mag-run.