Paano Mag-withdraw ng Crypto mula sa KuCoin
Pag-withdraw sa App
2. Mula roon, i-select ang cryptocurrency na gusto mong i-withdraw mula sa dropdown (Halimbawa: USDT).
3. Kapag tapos na, magdagdag ng Wallet Address, i-enter ang Withdrawal Amount, at i-select ang tamang Network (optional ang field ng mga remark). Tingnan kung tama ang address at amount, at pagkatapos ay i-hit ang I-confirm.
4. Palaging i-check kung gumagana ang sinelect na network sa in-enter mong address. Batay sa iyong cryptocurrency, makikita mo ang mga supported na network at ang mga required na network fee ng mga ito para sa transaction Kung hindi compatible na network ang napili mo, ang iyong funds ay maaaring mawala at hindi mare-recover.
Note:
• Para sa mga cryptocurrency na nagsu-support ng multiple chains (tulad ng USDT), automatic na nade-detect ng system ang naaangkop na chain batay sa ibinigay na wallet address.
• Kung nakatanggap ka ng error na "Invalid na Address", paki-check kung tama ang in-enter mong address. Kung kailangan mo pa rin ng karagdagang assistance, makipag-ugnayan sa aming live support team.
5. Para mag-proceed sa withdrawal: I-enter nang manual ang address ng recipient o mag-select mula sa mga na-save mong address gamit ang icon ng “Madalas Gamitin”. Puwede mong piliing gamitin ang balance mula sa iyong Funding Account o Trading Account. I-review ang mga transaction fee at ang final amount na matatanggap mo, at pagkatapos ay i-hit ang Mag-withdraw.
Importante:
• Iwasang mag-select ng mga hindi supported na network dahil lang sa reason na mababa ang withdrawal fee ng mga ito. Pumili ng mainnet na compatible sa external withdrawal address para maiwasan ang pagkawala ng fund. Ang maling selection ng network ay maaaring maging sanhi ng hindi recoverable na funds. Halimbawa, ang mga KCC token ay puwedeng ipadala sa ibang mga KCC address lang.
• Para sa mga specific na currency tulad ng ERC20-USDC/USDT, maaaring mag-vary ang mga withdrawal fee.
6. Dito, magkakaroon ka ng chance na i-review ulit ang mga detalye ng withdrawal mo. Kapag handa ka na, i-confirm ang withdrawal.
7. Kumpletuhin ang security verification sa pamamagitan ng pag-enter ng nauugnay na code at i-hit ang I-submit. Pagkatapos, ipoproseso na ang iyong withdrawal request.
Kung makaranas ka ng mga issue sa settings ng security habang isinasagawa ang prosesong ito, mag-refer sa mga sumusunod na article para sa assistance:
Transaction Password
Hindi Nakaka-receive ng Email Code/SMS Message
Google 2FA
Mga Internal Transfer
Puwedeng gamitin ang feature na internal transfer para magpadala ng funds sa mga KuCoin account. Ang mga transfer ay ide-deposit kaagad sa account ng recipient at walang nai-incur na transaction fee.
Paki-note: Para sa mga internal transfer sa KuCoin, walang naje-generate na transaction ID. Para sa mga transaction na tulad nito, Internal Transfer lang ang ipapakita ng history ng blockchain.
1. Ise-select ang Internal Transfer kung na-detect ng system na isang withdrawal address sa KuCoin ang recipient.
Note:
Kung nagwi-withdraw ka sa isang internal address pero gusto mo pa ring magkaroon ng recorded na transaction ID, manual na i-uncheck ang option na ito. Sa gayon, normal na ipoproseso ang transfer sa blockchain, na magje-generate ng transaction ID pero mag-i-incur din ng mga nauugnay na withdrawal fee.
2. Supported din ng mga internal transfer ang mga direct withdrawal sa corresponding na KuCoin account sa pamamagitan ng email, phone number, o account UID nito. Puwede ring idagdag ang mga account na ito sa iyong Mga Frequent na Contact, at ang mga internal transfer sa mga ito ay magreresulta sa mga direct deposit sa kanilang account nang hindi nag-i-incur ng anumang fee.
Note:
1. Kapag na-submit na ang withdrawal request, iko-confirm ang transaction sa blockchain pagkatapos nito. Depende sa network at blockchain traffic sa time na iyon, magva-vary ang confirmation time. Dahil dito, kailangan mong maging patient at hintaying magproseso nang ganap ang transfer.
2. Kapag gumagawa ng mga outbound transfer, palaging i-check kung tama ang withdrawal address at nagko-correspond sa parehong cryptocurrency. Kung mali o hindi tama ang currency, hindi na mare-retrieve ang funds.
3. Sa page ng withdrawal, makikita mo ang minimum withdrawal amount at ang mga fee na magva-vary nang specific sa bawat cryptocurrency. Puwedeng i-view ang mga specific na withdrawal fee sa pamamagitan ng pag-select sa mga ito sa withdrawal interface.
4. Iwasang mag-select ng mga hindi supported na network dahil lang sa reason na mababa ang withdrawal fee ng mga ito. Gumamit lang ng mga network na compatible sa mga nauugnay na external platform.
5. Kung makaranas ka ng anumang problema habang isinasagawa ang proseso ng withdrawal, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa aming support team para sa tulong.