Top Questions

Mga Same-Chain vs. Cross-Chain Transaction

Huling in-update noong: 08/21/2025

Ano ang mga same-chain at cross-chain transaction?


Sa madaling salita, ang isang same-chain transaction ay tumutukoy sa mga pag-swap o pag-trade ng asset na nagaganap sa iisang blockchain, kung saan nasa parehong network ang pagpapadala at pagtanggap ng mga asset. Sa kabilang banda, ang mga cross-chain transaction naman ay tumutukoy sa pag-swap o pag-trade ng mga asset sa pagitan ng magkaibang blockchain. Ibig sabihin, nasa magkaibang network ang pagpapadala at pagtanggap ng mga asset.


Bakit nagfi-fail ang mga transaction?

  1. Mga hindi sapat na network fee: Kapag congested ang network, maaaring mag-increase ang mga gas fee. Pina-prioritize ng mga miner ang mga transaction na may mas matataas na gas fee, kaya kung ang iyong transaction ay hindi naka-package para sa mahabang time, maaari itong mag-fail. Inire-recommend na gamitin ang suggested na default gas fee ng platform kapag nag-i-initiate ng transaction.
  2. Masyadong mataas ang slippage: Kapag volatile ang market, ang mga pagbabago sa liquidity depth ay maaaring maging sanhi para maging mas mababa ang transaction amount kaysa sa minimum na natanggap na amount, na magreresulta sa nag-fail na trade dahil sa labis na slippage.
  3. Mga duplicate na transaction: Kung nag-initiate ang user ng maraming identical na transaction pero may sapat na balance para sa nauna lang, magfi-fail ang mga susunod na transaction.

 

Ano ang slippage?

Ang slippage ay tumutukoy sa difference sa pagitan ng inaasahang transaction price at ng actual execution price. Karaniwan itong nangyayari kapag may mataas na market volatility o mababang liquidity. Sa mga DEX, madalas na nangyayari ang slippage dahil sa mga significant na market fluctuation o hindi sapat na liquidity.

 

Paano ko mami-minimize ang slippage?

Bagama't hindi ganap na maiiwasan ang slippage, puwede mong i-reduce ang mga loss sa pamamagitan ng: 1. Pagpili ng mga asset na may mataas na trading amount at liquidity. 2. Pag-prioritize sa mas maliliit na transaction para maiwasan ang malalaking order. 3. Pag-adjust ng slippage tolerance ayon sa mga price fluctuation. Gayunpaman, mag-ingat, dahil ang pag-raise ng slippage tolerance ay maaaring humantong sa higit pang price erosion, kaya i-evaluate nang maigi.

 

Kailangan ko pa bang magbayad ng gas fee pagkatapos ng nag-fail na transaction?

Oo. Nagpapadala/nagta-transfer ka man ng mga token, nakikipag-interact sa mga smart contract, o nagsasagawa ng iba pang action sa blockchain, ang mga network fee ay dapat bayaran sa mga miner o validator para sa pagproseso ng transaction. Dahil nagkokonsumo sila ng mga network resource para pangasiwaan ang transaction, binabayaran pa rin ang mga fee kahit na successful o nag-fail man ang transaction.