Top Questions

Mga Nakalimutang Password

Huling in-update noong: 08/21/2025

Ang Web3 wallet ay isang ganap na self-custodial service. Ibig sabihin, ang iyong seed phrase o private key ay ang tanging paraan para makontrol ang wallet mo. Ang bawat seed phrase, na binubuo ng 12 characters, ay nagko-correspond sa isang specific na wallet (hal., Wallet A) at nagbibigay ng nag-iisang kontrol sa wallet na iyon. Dahil dito, ang Wallet A at ang kasunod nito na Wallet B ay nagre-refer sa magkaibang set ng mga seed phrase na ginagamit para i-manage ang mga kaukulang asset ng mga ito. Gumagamit ang bawat wallet ng sarili nitong seed phrase para sa pag-manage ng mga asset nito.  Sa isang seed phrase, puwede kang magkontrol ng maraming address sa iba't ibang blockchain network.

 

Nagre-require ng password ang KuCoin Web3 Wallet para i-secure ang app at i-manage ang wallet. Ise-set mo ang password na ito kapag kini-create o ini-import ang iyong wallet, at kakailanganin mo ito para sa mga future action tulad ng pag-log in o pag-transfer ng funds. Bilang isang non-custodial at decentralized na multi-chain wallet, hindi ini-store ng KuCoin ang iyong password at hindi ka matutulungan na i-recover ito. Kung makalimutan mo ang iyong password, puwede mo itong i-reset sa pamamagitan ng pag-import ulit ng iyong seed phrase o private key, kaya siguraduhing i-back up ang mga ito. Kung hindi mo iba-back up ang iyong wallet, at kapag nakalimutan mo ang iyong password, maaari kang permanenteng mawalan ng access sa mga asset mo.忘记密码.png