Huling in-update noong: 07/30/2025
Ano ang pump.fun token sale?
Nilo-launch ng pump.fun ang PUMP token nito sa pamamagitan ng fixed-price na token sale sa KuCoin Spotlight. Magiging available ang sale nang sabay sa website ng pump.fun at KuCoin Spotlight, kaya natitiyak ang malawak at pantay na access para sa lahat ng participant.
Mga highlight ng pump.fun sale sa KuCoin Spotlight
1. Maunang mag-lock in ng PUMP subscription
Nagbibigay-daan ang feature na "Pre-Launch" sa mga user na mag-participate sa token sale bago ang official na oras ng pagsisimula.
2. Instant na subscription nang walang duplicate na verification
Ang mga user na na-verify ng KuCoin KYC ay puwedeng direktang mag-subscribe sa PUMP nang hindi nagkukumpleto ng karagdagang verification sa website ng Pump.fun, kaya natitiyak ang seamless at walang hassle na experience.
Step-by-step na Gabay para mag-participate sa pump.fun sa Spotlight.
1. I-tap ang Spotlight at piliin ang pump.fun token sale campaign.
2. I-place ang mga subscription mo sa mga "Pre-Launch" at "Subscription" phase. I-input ang investment amount mo at i-click ang "Mag-subscribe".
"Pre-Launch" phase: May applicable na limited presale hard cap sa duration ng Pre-Launch phase. Ang mga allocation ng token para sa phase na ito ay idi-distribute nang first-come, first-served basis, at bibigyan ng priority ang mga subscription na nakumpleto sa loob ng Pre-Launch period. Kapag nag-participate nang maaga, nama-maximize ang mga chance mo na maka-secure ng allocation ng PUMP.
"Subscription" phase: Magla-live ang token sale nang sabay sa official na website ng pump.fun at sa KuCoin Spotlight. Idi-display sa real time ang available na token supply. Paki-note na maaaring matapos nang mas maaga ang sale kaysa sa naka-schedule na oras kung sold out na ang lahat ng token.
3. I-check ang subscription amount mo at i-click ang "I-confirm". May lalabas na confirmation message na nagsasabing "Successful ang Subscription" kapag na-submit na.
Paki-note na hindi nagga-guarantee ng allocation ng token ang message na ito, dahil ang final allocation ay ide-determine at ia-announce sa Distribution Phase.
Para sa mga confirmed na resulta, sumangguni sa official na announcement ng distribution.
4. I-check ang mga resulta ng subscription mo pagkatapos makumpleto ang distribution ng token. Direktang ide-deposit ang PUMP sa Trading Account mo.
FAQ
1. Ano ang mga requirement para mag-participate sa Spotlight?
Para mag-participate sa Spotlight token sales, dapat na matugunan ng mga user ang mga sumusunod:
- Kumpletuhin ang Identity Verification (KYC)
- Gumamit ng main account (hindi eligible ang mga sub-account at naka-restrict na account)
- Nakatira sa isang rehiyon na hindi nare-restrict ng mga regulasyon sa compliance
- Kasama sa mga naka-restrict na rehiyon: United States of America, United Kingdom, Bosnia and Herzegovina, Burkina Faso, Central African Republic, China Mainland, Cuba, Democratic People's, Repubic of Korea, Hati, Hong Kong, Iran, Jamaica, Lebanon, Lybia, Mali, Myanmar, Namibia, Singapore, Somalia, South sudan, Sudan, Uzbekistan, Crimea region, Kurdistan, Canada, Malaysia
Nakalaan sa KuCoin ang karapatang i-disqualify ang mga user na nalamang kasangkot sa panloloko, manipulation, o pang-aabuso sa maraming account.
2. Paano ina-allocate ang mga token?
Ang token sale subscription ay isinasagawa nang first-come, first-served basis sa lahat ng nagpa-participate na platform, kabilang ang KuCoin Spotlight at official na website ng Pump.fun at iba pang official at supported na venue ng sale.
3. Gaano katagal ang token sale?
Mananatiling naka-open ang token sale sa loob ng 72 oras mula sa official na oras ng pagsisimula, o hanggang sa mabenta ang lahat ng available na token, alinman ang mauna.
4. Puwede bang i-withdraw ang committed funds?
Kapag ang funds ay na-commit na sa isang Spotlight event, hindi puwedeng i-withdraw o i-cancel ang mga ito sa subscription period.
Disclaimer
Napapasailalim sa disclaimer ("Disclaimer") na ito ang participation mo sa activity na in-access sa pamamagitan ng platform ng KuCoin. Sa pag-participate sa Pump.fun Fair Sale, hayagan mong ina-acknowledge at sinasang-ayunan ang mga tuntuning nakapaloob dito.
Nature ng Relationship
Ang activity na tinutukoy rito ay exclusive na pagmamay-ari, pinapatakbo, at mina-manage ng Pump.fun ("Sale Provider"). Ang KuCoin ("Platform") ay nagsisilbing third-party access facilitator lang ng activity.
Saklaw ng Authority
Sa pamamagitan ng pahayag na ito, ina-acknowledge mo na mananatili sa Pump.fun ang exclusive authority sa lahat ng aspect ng activity, kabilang ang, pero hindi limitado sa: mga panuntunan ng activity, mga pamamaraan sa pagpapatakbo, eligibility ng participant, distribution ng reward, at resolution ng dispute. Mananatili sa Pump.fun ang ganap na discretion at final interpretative authority hinggil sa lahat ng usaping kaugnay ng activity.
Limitation ng Liability
Tahasang dini-disclaim ng KuCoin ang lahat ng warranty, responsibilidad, at liability, ipinahayag man o ipinahiwatig, na may kaugnayan sa activity. Sa pag-access sa activity na ito sa pamamagitan ng platform ng KuCoin, ina-acknowledge mo na hindi pagmamay-ari, pinapatakbo, at mina-manage ng KuCoin ang Pump.fun, at wala itong responsibilidad para sa anumang kinalabasan, loss, pinsala, o dispute na nagmumula sa participation mo sa activity. Governing Authority Ang lahat ng inquiry, dispute, o claim na may kaugnayan sa activity ay dapat idirekta at lutasin nang eksklusibo ng Pump.fun. Hindi dapat kasama ang KuCoin sa anumang proseso ng resolution ng dispute sa pagitan ng mga participant at Pump.fun.
Sa pag-proceed sa participation sa activity na ito, kino-confirm mo ang iyong pag-unawa at pagtanggap sa mga tuntuning ito.