FAQ para sa Exclusive sa Bagong User”
Ano ang offer na Exclusive sa Bagong User?
Ni-launch ng KuCoin ang feature na Exclusive sa Bagong User na nagbibigay-daan sa mga na-verify na merchant na mag-post ng mga ad nang specific sa mga bagong user. Makakatanggap ang mga ad mo ng special na label na epektibong magpapataas ng visibility ng mga ito.
Ano ang mga benefit ng mga ad na Exclusive sa Bagong User?
- Special na Label: Mamarkahan ang ad mo bilang "Exclusive sa Bagong User" na mag-a-attract ng higit pang attention mula sa mga bagong user.
- Priority sa Pag-display: Idi-display sa top ng page ng P2P ad ang mga ad na Exclusive sa Bagong User, kaya natitiyak ang maximum na exposure.
Paano ako makakapag-post ng ad na Exclusive sa Bagong User?
Dapat mong matugunan ang sumusunod na criteria:
- Maging na-verify na merchant.
- Mag-post ng mga ad na may maliit na limit (≤100 USDT).
- Mag-offer ng price na better kaysa sa mga competitor.
Ano ang mangyayari pagkatapos mag-submit ang mga merchant ng application para sa ad na Exclusive sa Bagong User?
Kapag nag-submit na ang mga merchant ng application para sa ad na Exclusive sa Bagong User, ire-review ito ng aming team. Makakatanggap lang ng label na "Exclusive sa Bagong User" at ipa-prioritize sa page ng P2P ad ang ad mo pagkatapos ma-approve ang application.
Ano ang mangyayari kung walang ad na Exclusive sa Bagong User?
Kung walang eligible na ad na Exclusive sa Bagong User, idi-display ng system ang mga special na inire-recommend na ad ayon sa pagkakasunud-sunod.
Bakit hindi ko mahanap ang aking ad sa list ng P2P ad?
Maaaring hindi lumabas ang ad mo sa list ng P2P ad dahil sa mga sumusunod na dahilan:
1. Hindi nakakatugon sa mga requirement sa pag-post: Hindi nakakatugon ang ad mo sa criteria sa Exclusive sa Bagong User.
2. Hindi sapat ang balance:Hindi natutugunan ang minimum transaction amount. Halimbawa, kung ang ad mo ay naka-set na mag-sell ng 100 USDT pero ang available balance mo ay 5 USDT lang, aalisin ang ad mo.
3. Offline ang ad:
- Ang account mo ay hindi active sa loob ng higit sa 30 araw, at automatic na naalis ang ad.
- May mahigit 7 disputed orders, at pansamantalang iha-hide ang lahat ng ad.
4.Na-trigger ang risk control:
Kung na-trigger ng account mo ang risk control mechanism ng platform, pansamantalang iha-hide ang ad mo sa loob ng 24 na oras habang nagsasagawa ang platform ng masusing investigation.
Kung pumasa sa evaluation, ire-restore ang ad mo. Kung nag-fail naman, iko-close ang ad mo, at makakatanggap ka ng notification sa pamamagitan ng email.