Copy Trading

Introduction sa KuCoin Copy Trading

Huling in-update noong: 07/30/2025

Ang copy trading ay isang portfolio management tool na nagbibigay-daan sa mga user para madaling i-replicate ang mga trading strategy ng ibang mga expert na trader. Sa pamamagitan ng copy trading, parehong puwedeng maka-achieve ng win-win situation ang mga lead trader at copy trader.

 

Ano ang pagkakaiba ng mga lead trader at copy trader?

  • Ang mga lead trader ay mga professional trader na nagma-manage ng mga portfolio, na nagbibigay-daan sa mga user na i-replicate ang mga strategy nila. Nakakapag-attract ang mga lead trader ng mas maraming copy trader (o follower) sa pamamagitan ng pag-share ng kanilang mga trading strategy, at nag-e-earn sila ng share sa mga profit ng mga follower.
  • Ang mga copy trader (o follower) ay mga user na nagre-replicate sa mga trading strategy ng mga lead trader. Nakaka-earn ang mga follower ng mga profit mula sa mga copied trade, at sine-share nila ang portion ng mga profit na ito sa lead trader.

 

Paano gumagana ang copy trading?

Sa kasalukuyan, ina-allow ng KuCoin ang mga follower na i-copy ang mga USDT perpetual contract trade ng mga lead trader. Bilang lead trader, puwede kang mag-switch sa lead trading account sa futures trading page para mag-initiate ng mga trade, nang may layuning ma-increase ang success at profitability sa trading para maka-attract ng mas maraming follower. Ang mga follower ay puwedeng mag-copy ng mga trade nang naka-proportion sa sarili nilang margin kumpara sa margin ng lead trader o batay sa fixed margin amount na sinet ng follower. Pakitandaan na ang ire-replicate ng mga follower ay ang mga bagong position lang na in-open ng lead trader pagkatapos nilang umpisahan ang copy trading.

Para maging lead trader, pumunta sa page ng copy trading sa KuCoin account mo at mag-apply para maging lead trader. Puwede kang mag-earn ng profit-sharing mula sa earnings ng mga follower mo.

 

Ano ang mga benefit ng copy trading?

  • Nagpo-provide ang copy trading ng earnings para sa mga investor sa pamamagitan ng automated na pag-copy ng trade. Puwedeng ma-increase ng mga bagong trader ang kanilang mga chance na mag-profit sa pamamagitan ng pag-follow sa mga trade ng mga professional.
  • Nakakatulong ito sa mga beginner na maintindihan ang crypto market at ma-build ang kanilang confidence sa trading.
  • Sa pamamagitan ng pag-observe sa mga trading behavior ng iba, lalo na ng mga experienced na trader, matututo ang mga bagong trader kung paano mag-trade.
  • Kahit na limitado lang ang oras para sa investment analysis, makakapag-participate pa rin sa cryptocurrency market ang mga user.

 

Ano ang mga risk ng copy trading?

May kasamang risk ang lahat ng investment product. Ang pangunahing risk sa copy trading ay ang choice ng lead trader at ang portfolio at mga trading strategy niya. Kung nag-fail ang strategy ng lead trader, maaari ding mag-incur ng mga loss ang mga follower niya. Sa copy trading, nahaharap din ang mga follower sa slippage risk, lalo na kapag ang market volatility ay nakakaapekto sa mga trade at nagreresulta sa hindi sapat na liquidity. Dahil sa slippage o iba-ibang entry point, ang actual na return on investment (ROI) ng mga follower ay maaaring hindi kapareho ng sa lead trader. Maaari ding maka-encounter ng mga systemic risk ang mga follower kung dumaranas ang market ng mga rapid na pag-increase o pag-decline. Bukod pa rito, ang nakaraang performance ng lead trader ay hindi nagga-guarantee ng mga resulta sa hinaharap, kaya dapat na maingat na pumili ang mga follower. Dapat mong pagpasyahan ang investment amount batay sa iyong personal na sitwasyon at risk tolerance.