Futures Trading

Risk Rate ng Cross Margin Mode

Huling in-update noong: 07/30/2025

Sa isolated margin mode, kapag umabot na sa liquidation price ang mark price, mali-liquidate ang position. Gayunpaman, sa cross margin mode, mali-liquidate lang ang position kapag umabot na sa 100% ang risk rate. Ang liquidation price ay puwedeng gamitin bilang reference lang, hindi bilang basis para sa liquidation.

Ano ang Cross-Margin Risk Rate?

Ang risk rate ay ang tanging factor para sa liquidation sa cross margin mode. Ito ang ratio ng margin para mapanatili ang iyong mga current position at open order sa total margin. Iba-ibang risk rate ang makakaapekto sa mga position at open order mo.

Calculation ng Risk Rate

(Sum ng maintenance margin para sa mga cross-margin position + Maintenance margin para sa anticipated na open order execution + Mga expected na closing fee) / (Total cross-margin position margin - Mga expected na opening fee)

Halimbawa:

Mga Position at Open Order ng User Risk Rate

I-assume na ang iyong total margin ay 5,000 USDT sa cross margin mode, kasalukuyan kang nagho-hold ng long BTC/USDT contract at ng open order para sa short ETH/USDT contract.

 

Current na BTC/USDT contract mark price: 62,000 USDT

BTC/USDT contract multiplier: 0.001

BTC/USDT contract position: 100 contracts

Maintenance margin rate para sa BTC/USDT contract: 0.5%

 

Current na ETH/USDT contract mark price: 3,000 USDT

ETH/USDT contract multiplier: 0.01

Mga open order para sa mga ETH/USDT contract: 1,000

Maintenance margin rate para sa ETH/USDT contract: 0.8%

Taker fee rate: 0.06%

Sa point na ito, ang risk ratio ng account mo ay = (62,000 * 0.001 * 100 * 0.5% + 3,000 * 0.01 * 1,000 * 0.8% + 62,000 * 0.001 * 100 * 0.06% + 3,000 * 0.01 * 1,000 * 0.06%) / (5,000 – 3,000 * 0.01 * 1,000 * 0.06%) = 5.88%

Mga Risk Rate Limit

Kapag ang cross-margin account risk rate ay ≥ 95%, ika-cancel ng system ang iyong mga order.

Kapag ang cross-margin account risk rate ay ≥ 100%, mali-liquidate ang mga position mo. Kung ang iyong position amount ay > 600,000 USDT, partial na mali-liquidate ang mga position mo.

 

Simulan na ang iyong futures trading!

Mag-trade Ngayon

 

Gabay sa KuCoin Futures Trading:

Website Tutorial

App Tutorial

 

Salamat sa iyong suporta!

KuCoin Futures Team